Heograpiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Heograpo)

Heógrapíya[1] ang pag-aaral sa kalupaan, katangian, naninirahan, at penomena ng Daigdig.[2] Sa kolokyal nitong kahulugan, tipikal itong tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar; sa pormal na kahulugan, isa itong malawak na sangay ng agham na naglalayong alamin at maipaliwanag ang Daigdig at kung paano ito humantong sa kasalukuyan nitong mga proseso at hitsura. Bagamat tinutukoy ng heograpiya ang Daigdig, ginagamit rin ang salitang ito upang ilarawan ang ibang mga planeta sa larangan ng agham pamplaneta.[3] Heograpiya ang itinuturing madalas bilang isang "tulay" na nagkokonekta sa likas na agham at agham panlipunan.[4]

Kinekredit sa sinaunang Griyegong heograpo na si Eratostenes ang marami sa mga pundasyon ng pag-aaral sa heograpiya. Si Erastostenes din ang itinuturong nag-imbento sa naturang salita, mula sa salitang Griyego na geographia (Griyego: γεωγραφία),[5] na kalauna'y hiniram ng mga wikang Romanse kabilang na ang wikang Ingles at Espanyol, kung saan nagmula ang modernong salitang Tagalog nito.[1] Gayunpaman, sa mga sulatin ni Claudius Ptolemy unang lumabas ang naturang salita sa pasulat na anyo.[2] Sa kanya nagsimula ang "tradisyon ni Ptolemy" ng larangan, na kinabibilangan ng teorya ng kartograpiya niya.[6] Gayunpaman, maituturo nang mas maaga ang mga konseptong inilatag niya sa heograpiya, lalo na sa kartograpiya; halimbawa nito ang mga unang tangka ng mga taga-Babylon na ilarawan ang kanilang lugar gamit ang isang mapa noong ika-9 na siglo BKP.[7] Bagamat ang kasaysayan ng heograpiya ay nagsimula sa iba't ibang lugar at panahon, nananatili pa rin ang mga pangunahing konsepto sa mga ito, tulad ng pag-alam sa espasyo, lugar, oras, at lawak.

Sa modernong panahon, isang akademikong larangan ang heograpiya na may samu't-saring mga kaparaanan. May mga pagtatangkang igrupo ito, kabilang na ang pagbibigay-kahulugan sa mga sangay nito gayundin sa apat na tradisyon ng heograpiya.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 "heograpiya". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 29 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Dahlman, Carl; Renwick, William (2014). Introduction to Geography: People, Places & Environment [Pagpapakilala sa Heograpiya: Tao, Lugar, at Kapaligiran] (sa wikang Ingles) (6 pat.). Pearson. ISBN 978-0137504510.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Burt, Tim (2009). Key Concepts in Geography: Scale, Resolution, Analysis, and Synthesis in Physical Geography [Mga Pangunahing Konsepto sa Heograpiya: Lawak, Linaw, Pagsusuri, at Sintesis sa Heograpiyang Pisikal] (sa wikang Ingles) (2 pat.). John Wiley & Sons. pp. 85–96. ISBN 978-1-4051-9146-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Sala1); $2
  5. Roller, Duane W. (2010). Eratosthenes' Geography [Heograpiya ni Eratostenes] (sa wikang Ingles). New Jersey, Estados Unidos: Princeton University Press. ISBN 9780691142678.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brentjes, Sonja (2009). "Cartography in Islamic Societies" [Kartograpiya sa mga Lipunang Islamiko]. International Encyclopedia of Human Geography [Pandaigdigang Ensiklopedya ng Heograpiyang Pantao] (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 414–427. ISBN 978-0-08-044911-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kurt A. Raaflaub & Richard J. A. Talbert (2009). Geography and Ethnography: Perceptions of the World in Pre-Modern Societies [Heograpiya at Etnograpiya: Mga Persepyon sa Mundo ng mga Premodernong Lipunan] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 147. ISBN 978-1-4051-9146-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Link sa labas[baguhin | baguhin ang wikitext]