5S

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang 5S ay isang metodolohiya ng pagsasaayos ng lugar ng kung saan ginagawa ang mga trabaho. Ito ay ini-integrate sa anumang lugar ng gawain bilang pasimula sa panghinaharap pang mga pagpapabuti ng gawaan at daloy ng mga trabaho. Kumpara sa ibang Kaizen programs, ito ang pinakamadali at pinakamabilis na isakatuparan. Karagdagan pa dito, ang mga resulta nito ay lantad sa paningin ng lahat ng mga empleyado.

Ang 5S ay hango sa salitang Hapon at nangangahulugang: Seiri, Seiton, Seiso, Seiketsu at Shitsuke.

Seiri

Ang seiri ay ang pag- uuri ng mga gamit sa loob ng gawaan. Kasama rin dito ang pagwawaksi ng mga hindi na kinakailangan pang mga kagamitan.

Seiton

Ang seiton ang pag-aayos ng mga mahahalagang gamit sa pamamaraang madali silang makita sa oras na sila ay kailanganin.

Seiso

Ang seiso ang paglilinis ng kapaligiran ng pook- gawaan upang ito ay umaliwalas. Isang halimbawa nito ay ang pagtatanggal ng alikabok sa sahig, makina o iba pang pasilidad.

Seiketsu

Ang seiketsu ang pagpapanatili ng kaayusan ng pook - gawaan sa pamamagitan ng pag- uulit ng siklong seiri- seiton - seiso.

Shitsuke

Ang shitsuke ay ang pagsasanay sa mga manggagawa ng mga tamang gawi at pagpapasatupad ng mga patakaran sa pook- gawaan.

Mga Resulta

Inaasahan na ang pagpapasatupad ng 5S sa pook- gawaan ay magreresulta sa:

1. Mas magiging ligtas ang pook- gawaan.

2. Magkakaroon ng mas malawak na gawaan para sa lahat.

3. Mas iikli ang oras para sa paghahanap ng mga kagamitan na kinakailangan.

4. Mas mapapabuti ang teamwork sa pagitan ng mga empleyado.

5. Mababawasan ang mga pagkakamali sa paggawa ng mga tungkulin.

6. Ang imahe ng organisasyon ay mas aayos.


Mga Sanggunian

Edward Moulding. A Visual Control System for the Workplace, 2010, Marso 22, 2011.