Abatar (termino)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Abatar (paglilinaw).

Ang abatar[1], mula sa Sanskrit na nagangahulugang "Ang nagmula sa itaas" (literal : "nanaog") ay ginagamit bilang katawagan sa mga Diyos (deva), partikular na sa Hinduismo, na nananaog sa lupa na may partikular na anyo, o di kaya nama'y ipinanganganak na mistulang ordinaryong nilalang, para sa isang misyon o upang ibalik ang Dharma.

Pinakakilala sa mga Diyos na maraming mga abatar si Vishnu (marami siyang abatar, ngunit may 10 pinakakilala). Sa bawat abatar niya, nagpapamalas siya ng iba't-ibang anyo. Ipinapalagay ng mga Vaishnava (mga tagasunod ni Vishnu) na si Vishnu ang pinakamataas sa lahat ng Diyos.

Sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Avatar, abatar". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.