Abenida Ayala

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Abenida Ayala

Ang Abenidang Ayala o Ayala Avenue sa Ingles ay isang abenida sa Lungsod ng Makati sa Pilipinas. Pinagdadaanan nito ang puso ng distritong sentral ng negosyo (central business district) ng Makati. Dahil maraming mga negosyo ay nakahimpil dito, itinuturing ang Abenida Ayala bilang Wall Street ng Pilipinas. Nasa pagitan ng EDSA hanggang Abenida Metropolitan ang Abenida Ayala.

Kasaysayan[baguhin]

Dating patakbuhan ng Palapagang Nielson, ang lumang paliparan ng Maynila, ang Abenida Ayala, kabilang nito ang kasalukuyang Paseo de Roxas. Noong naging may-ari na ang Ayala Corporation ang ari-arian ng paliparan noong dekada 1950, pinahabaan ang patakbukan mula Paseo de Roxas hanggang Abenida Buendia (kasalukuyang Abenida Gil J. Puyat), at ito ay naging Abenida Ayala.

Noong dekada 1960, pinahabaan ito mula Abenida Buendia hanggang Kalye Kamagong, at noong katapusan ng dekada 1990, pinahabaan ito muli mula Kalye Kamagong hanggang dulo ng Abenida South (mula Abenida J.P. Rizal) at Abenida Metropolitan.

Silipin din[baguhin]