Abraham Lincoln

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Abraham Lincoln
Abraham Lincoln

Panunungkulan
Marso 4, 1861 – Abril 15, 1865
Pangalawang Pangulo Hannibal Hamlin (1861 - 1865); Andrew Johnson (Marso - Abril 1865)
Sinundan si James Buchanan
Sinundan ni Andrew Johnson

Kapanganakan Pebrero 12, 1809
Hardin County, Kentucky (kasalukuyang nasa LaRue County Kentucky)
Kamatayan Abril 15, 1865
Washington, D.C.
Kabansaan Amerikano
Partidong politikal Republikano
Asawa Mary Todd Lincoln
Lagda Lagda ni Abraham Lincoln

Si Abraham Lincoln[1] (Pebrero 12, 1809 - Abril 15, 1865) ay ang ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos, na naglingkod mula 1861 hanggang 1865. Noong 1865, pagkaraan ng wakas ng Digmaang Sibil ng mga Amerikano, nabaril siya at napatay ni John Wilkes Booth.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Lincoln malapit sa kasalukuyang Hodgenville, Kentucky noong 1809. Lumipat siya sa Indiana noong 1816, at namalagian sa New Salem, Illinois noong 1831. Naglingkod siya sa Batasan ng Illinois mula 1834 hanggang 1842. Muli siyang lumipat patungo Springfield noong 1837. Napangasawa niya si Mary Todd noong 1842. Mula 1847 hanggang 1849, naging kasapi siya ng Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos.[1]

Tumakbo siya para sa Senado noong 1855 subalit hindi nagwagi. Nakipagdebate siya kay Stephen A. Douglas noong 1858. Iniharap siya bilang kandidato sa pagka-pangulo ng Estados Unidos noong Mayo 18, 1860, at nahalal bilang presidente noong Nobyembre 6. Ginawad ang pagpapasinaya niya bilang ika-16 pangulo ng Estados Unidos noong Marso 4, 1861.[1]

Nagsimula ang panahon ng Digmaang Sibil nang tumawag siya ng mga boluntaryo noong Abril 15, 1861.[1]

Una niyang ipinahayag ang paunang labas ng Proklamasyon ng Emansipasyon noong Setyembre 22, 1862, at ibinigay pinakahuli at opisyal na pagpapahayag nito noong Enero 1, 1863. Ang proklamasyong ito ang pinakaunang hakbang patungo sa pagbubuwag ng pagkakaroon ng mga aliping itim sa Amerika. Ipinahayag niya ang talumpating Gettysburg Address noong Nobyembre 19, 1863.[1]

Nang sumapit ang Marso 12, 1864, itinalaga niya si Heneral Ulysses S. Grant bilang komandante ng mga hukbo ng Unyon.[1]

Muli siya nahalal bilang pangulo noong Nobyembre 8, 1864. Isinagawa ang pagpapasinaya noong Marso 4, 1865.

Sumuko si Robert E. Lee kay Ulysses S. Grant noong Abril 9, 1865. Binaril si Lincoln ni John Wilkes Booth noong Abril 14, at binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1865. Naganap ang pagbaril habang nanonood si Lincoln ng isang dula sa Tanghalang Ford sa Washington, D.C.. Si "Abe" Lincoln ang unang pangulong napatay ng isang asesino.[1][2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]