Adam Malik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Adam Malik.

Si Adam Malik (22 Hulyo 1917 – 5 Setyembre 1984) ay isang tagapamahayag at politikong Indones.[1] Siya ang pangatlong pangalawang pangulo ng Indonesya.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Malik sa Pemantar Siantar, Sumatra, Indonesya. Sa kanyang kabataan siya nagsimulang maging masigla sa mga kilusan para sa kalayaan ng Indonesya mula sa pangungolonya ng mga Olandes. Ilang ulit siyang naibilanggo ng mga pinunong Olandes. Bilang mamamahayag, isa siya sa mga naglunsad ng ahensiya ng balitang Antara noong 1937, na naging pambansang ahensiya ng mga tagapamahayag sa Indonesya pagdaka. Noong 1949, naglingkod siya para sa pamahalaang Indones. Noong 1966, naitalaga siya bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indonesya. Noong 1971, nahalal siya upang maging ika-26 na pangulo ng Panglahatang Pagpupulong o Asembleya Heneral ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Adam Malik". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na M, pahina 570.



TalambuhayPolitikoIndonesya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politiko at Indonesya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.