Aklat ni Enoch

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Aklat ni Enoch (o 1 Enoch)[1] ay isang sinaunang kasulatang pang-relihiyon na Hudyo na tradisyonal na itinuturo kay Enoch na lolo sa tuhod ni Noe. Ito ay hindi bahagi ng kanon ng Hudaismo maliban sa Beta Israel. Ito ay tinuturing na kanon sa Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ngunit hindi sa ibang mga pangkat na Kristiyano. Ang mas matandang mga seksiyon (pangunahin sa Aklat ng mga Tagamasid) ay tinatayang mula 300 BCE at ang pinakahuling bahagi (Aklat ng mga Talinghaga) ay malamang na nilikha sa wakas ng unang siglo BCE.[2] Ito ay buong umiiral sa wikang Ge'ez na may mga pragmentong Aramaiko mula sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat at ilang mga pragmentong Griyego at Latin. Dahil dito at iba pang mga dahilan, ang tradisyonal na pananaw na Etiopiano ay ang orihinal na akda ay Ge'ez samantalang ang mga hindi-Etiopianong skolar ay naniniwalang ito ay unang isinulat sa Aramaiko o Hebreo. Iminungkahi ni E. Isaac na ang Aklat ni Enoch tulad ng Aklat ni Daniel ay parsiyal na nilikha sa Aramaiko at parsiyal sa Hebreo.[3]:6 Ang isang maikling seksiyon ng 1 Enoch 1:9 ay sinipi sa Sulat ni Judas 1:14-15. Ikinatwirang ang mga may akda ng Bagong Tipan ay pamilyar sa nilalaman ng kuwento at naimpluwensiyahan nito.[4]

Mga nilalaman[baguhin]

Ang unang bahagi ng Aklat ni Enoch ay naglalarawan ng pagkahulog ng Mga Tagamasid na mga anghel na mga ama ng Nephilim. Ang natitira ng naglalarawan ng mga pagdalaw ni Enoch sa langit sa anyo ng mga paglalakbay, mga pangitain at mga panaginip at kanyang mga pahayag. Ang aklat ay binubuo ng mga pangunahing seksiyon:

  • Ang Aklat ng mga Tagamasid (1 Enoch 1 – 36)
  • Ang Aklat ng mga Talinghaga ni Enoch (1 Enoch 37 – 71) (o Mga Similitudo ni Enoch)
  • Ang Aklat na Astronomikal (1 Enoch 72 – 82) (o Aklat ng mga Makalangit na Luminaryo o Aklat ng mga Luminaryo)
  • Ang Aklat ng mga Pangitain ng Panaginip (1 Enoch 83 – 90) (o Aklat ng mga Panaginip)
  • Ang Sulat ni Enoch (1 Enoch 91 – 108)

Ang karamihan ng mga skolar ay naniniwala na ang mga limang seksiyon na ito ay orihinal na mga akdang independiyente (na may mga iba't ibang mga petsa ng komposisyon) at ang mga ito ay produkto ng isang karamihang pagsasaayos na editoryal at kalaunan lamang ang redaksiyon sa tinatawag ngayong 1 Enoch.[5] Iminungkahi ni Józef Milik na ang Aklat ng mga Higante na natagpuan sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay dapat bahagi ng koleksiyon na lumilitaw pagkatapos ng Aklat ng mga Tagamasid sa lugar ng Aklat ng mga Talinghaga. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay hindi malawak na tinanggap.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. There are two other books named "Enoch": 2 Enoch, surviving only in Old Slavonic (Eng. trans. by R. H. Charles 1896) and 3 Enoch (surviving in Hebrew, c. 5th to 6th century CE).
  2. Fahlbusch E., Bromiley G.W. The Encyclopedia of Christianity: P–Sh page 411, ISBN 0-8028-2416-1 (2004)
  3. E Isaac, in Old Testament Pseudepigrapha, ed. Charlesworth, Doubleday, 1983
  4. Cheyne and Black Encyclopedia Biblica 1899 "Apocalyptic Literature" (column 220), http://en.wikisource.org/wiki/Encyclopaedia_Biblica/Apocalyptic_Literature#II._The_Book_of_Enoch. "The Book of Enoch as translated into Ethiopic belongs to the last two centuries B.C. All the writers of the NT were familiar with it and were more or less influenced by it in thought"
  5. Vanderkam, JC. (2004). 1 Enoch: A New Translation. Minneapolis:Fortress. pp. 1ff (ie. preface summary). ; Nickelsburg, GW. (2004). 1 Enoch: A Commentary. Minneapolis:Fortress. pp. 7–8.