Aksidente sa Minahang Copiapó, 2010

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Aksidente sa Minahang Copiapó, 2010
Mina San José de Copiapó en 2010.jpg
Ang pagsagip sa San José de Copiapó on
5 Agosto 2010
Petsa 5 Agosto 2010 (2010-08-05)–13 Oktubre 2010 (2010-10-13) (69 days)
Oras 14:05 CLT (UTC -3)
Lokasyon Copiapó, Tsile
Mina San José is located in Chile
Mina San José
Lokasyon ng Minahang San José sa Tsile

Ang aksidente sa minahang Copiapó noong 2010 ay naganap noong 5 Agosto 2010, noong bumigay ang bahagi ng minahan ng ginto at tanso sa San Jose, na nagpatibong sa 33 katao sa ilalim ng lupa. Nabuhay ang mga minero sa ilalim ng lupa sa loob ng 69 araw.[1][2] Nailigtas ang lahat ng mga minero at naiahon sa ibabaw ng lupa noong 13 Oktubre 2010, at ang unang minero ay naiahon sa pamamagitan ng kapsulang Phoenix bandang 00:10 noong 13 Oktubre 2010.

Matatagpuan ang minahang San Jose sa 45 kilometro hilaga ng Copiapó, sa hilagang Tsile. Nabitag ang mga minero sa halos 700 metrong lalim at sa 5 kilometro kung susundin ang pasikut-sikot ng lagusan mula sa pangunahing pasukan. Marami nang kasaysayan ng disgrasya ang nasabing minahan, kabilang na ang isang kamatayan.[3]

Naganap ang pagsagip sa unang minero, si Florencio Ávalos, bandang Martes, 12 Oktubre 2010, 23:55 oras ng Tsile, gamit ang kapsulang pansagip Fénix at nakarating sa ibabaw makalipas ang 16 minuto.[4][5] Bandang 21:55, oras ng Tsile, naisagip ang lahat ng 33 minero, na lahat ay halos nasa mabuting kalagayan at inaasahang maka-rekober. May isang minero na nagka-pulmonya, at mayroon din na nagkasakit ng impeksiyon sa ngipin at diperensiya sa mata. .[6] Lahat sila ay nagkaroon ng impeksiyon ng fungi sa balat.

Dayagram ng aksidente sa minahan (lalim ay sa metro sa taas ng gitnang lebel ng dagat)

Talasanggunian[baguhin]