Alamat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.[1] Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

Kayarian[baguhin | baguhin ang batayan]

Hinggil sa mga kuwento ng mga bayani, kalimitang may ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos, at iba pang mga itinuturing na banal na mga nilalang. Maaaring ipinananggalang nila o kaya sinasaktan ang bayani ng alamat. Katulad na lamang ng sa paglalakbay ni Odysseus sa Ang Odyssey, tinulungan siya ng diyosang si Athena at sinasaktan ng diyos na si Poseidon. Kung minsan, ang bayani ang siya mismong inkarnasyon, o nasa kaanyuhang tao, ng isang diyos. Maaari ring anak o ampon ng isang diyos ang isang bayaning pang-alamat, na kalimitang may namanang mga katangian mula sa isang magulang, karaniwang mula sa ama.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Ibat-Ibang Halimbawa ng Alamat



Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.