Alejandro R. Roces

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Alejandro Roces (paglilinaw).

Si Alejandro R. Roces o Alejandro Reyes "Anding" Roces (sinilang 13 Hulyo, 1924) ay isang Pilipinong manunulat ng mga kathang-isip na mga maiikling salaysayin, tagapagsanaysay, dramatista, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.

Talambuhay[baguhin]

Isinilang siya sa Maynila. Napangasawa niya si Irene Viola, at naging anak nila si Elizabeth. Nagtapos siya ng elemantarya at hayskul mula sa Pamantasang Ateneo de Manila. Nagkamit siya ng degring B.A. sa mga Pinong Sining mula sa Pamantasang Pang-Estado ng Arizona. Kumuha siya ng M.A. mula sa Pamantasang Far Eastern.[1]. Naging kapitan siya sa Mga Gerilya ni Marking noong Digmaang Pandaigdig II.

Sa lumaon, nagkaroon siya ng kolum sa Manila Chronicle at Manila Times. Siya ang dating pangulo ng Manila Bulletin, at sumusulat sa ngayon para sa kolum na Roses and Thorns (o "Mga Rosas at mga Tinik") ng Philippine Star. Naging dati rin siyang Sekretaryo ng Edukasyon at kasalukuyang pangulo ng Pundasyong Pangkolehiyo ng CAP (CAP College Foundation), isang pang-"malayuang" kolehiyo ng pag-aaral sa Lungsod ng Makati, Pilipinas. Noong 2001, itinalaga siya bilang tagapangasiwa ng Lupon ng Pagsusuri at Klasipiksyong Pam-pelikula at Pang-telebisyon (Movie and Television Review and Classification Board, MTRCB).

Mga aklat[baguhin]

  • Of Cocks and Kites ("Tungkol sa mga Tandang at mga Saranggola," Mayo 1959, nasa Ingles)

Mga sanggunian[baguhin]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.