Alfred Hitchcock

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Alfred Hitchcock.

Si Sir Alfred Joseph Hitchcock (13 Agosto 1899-29 Abril 1980[1]) ay isang Britanikong direktor ng pelikula na naging mamamayan ng Estados Unidos ngunit pinanatili ang kanyang pagkamamamayang Britaniko. Karamihan sa kanyang mga nagawang mga pelikula ang may paksang misteryoso at nakapipigil-hininga. Mas kilala siya sa kanyang katauhan o persona sa palabas at natatanging estilo upang maging kilala at kakaiba ang kanyang mga pelikula. Kabilang sa kanyang mga pelikula ang: The Lodger (1927), The Man Who Knew Too Much (1934 at muling ginawa noong 1956), The Lady Vanishes (1938), Rebecca (1940), Rear Window (1954), Vertigo (1958), North by Northwest (1959), Psycho (1960), The Birds (1963), Topaz (1969), at Frenzy (1972). Naging punong tagapagpasinaya at dinirihe rin niya ang palabas sa telebisyong Alfred Hitchcock Presents.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


TalambuhayPelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.