Alpabetikong Katalogo ng mga Apelyido

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Ang Alpabetikong Katalogo ng mga Apelyido (Wikang Kastila: Catálogo alfabético de apellidos) ay isang aklat na binubuo ng apelyido na inilathala sa Pilipinas at iba pang mga pulo ng Silangang Indiya ng Espanya noong kalagitnaan ng ikalabinsiyam (19th) na siglo. Ito ay bilang tugon sa isang utos ng kolonyang Kastila na magtatatag ng isang pamamaraan ng pagkalat ng mga ngalan ng angkan at pagpapatupad ng Pamamaraang pagpapangalan ng mga Kastila sa mga naninirahan sa Pilipinas.

Ang aklat ay nilikha ng Kastilang Kapitan at Gobernador Heneral Narciso Claveria y Zaldua na nagpanukala ng kautusan noong Nobyemre 21, 1849 bilang pagtugon sa mga pabago-bagong pamamaraan ng mga Pilipino na mamili ng mga apelyidong nagkataon. Kasunod ng Kristiyano ng Pilipinas, maraming mga Pilipino ang kumuha ng mga apelyido tulad ng de los Santos, de la Cruz, del Rosario at Bautista dahil sa kanilang kabuluhan sa relihiyon. Sa ngayon, higit na malaganap ang mga apelyidong nabanggit. Maraming mga Pilipino ang pumili rin ng mga apelyido ng mga tanyag na datu at raha sa kasaysayang Pilipino tulad ng Lakandula. Bukod pa rito, hindi kataka-takang magkaroon ng iba't ibang apelyido ang isang Pilipinong angkan. Dahil sa iba't ibang pamamaraan ng pagkuha ng apelyido, nagdulot ito ng kahirapan sa mga Kastilang namamahala ng kolonya sapagkat pinigilan nito ang maayos na pagtatala ng isang senso ng mga naninirahan sa kapuluan at ang maayos na paniningil ng buwis.

Pagkakabuo[baguhin]

Ang aklat na ito ay binubuo ng isang-daan-at-apatnapu't isang (141) pahina. Ang mga apelyido ay nakatala sa anim na hana at ang pinakamaraming apelyido bawat hanay ay pitumpu't dalawa (72). Sa ilalim ng pamagat ng bawat hanay, ang mga apelyido ay hindi nakaayos ayon sa abakada (halimbawa, matapos ng Gandain susunod ang Ganavacas tapos Gandoy, at ang Balledor ay nakatala sa ilalim ng "V").

Lahat ng mga titik ng abakadang Kastila ay nakalahad maliban sa mga titk "I" (sa palabaybayang Kastila ng panahong iyon, ang "Y" ay ginagamit na unang titik sa halip na "I"), "K" at "W" (hindi nakikita sa alibatang Kastila) at "X" (dahil sa isang pamamalit ng kayinig, ang mga naunang mga apelyido tulad ng Ximénez ay ibinaybay bilang Jiménez, na may J noon.)

Ang pinagmulan ng mga apelyido[baguhin]

Ang mga apelyido ay nagmula sa mga Wikang Pilipino tulad ng Hiligaynon, Tagalog, Ilokano, Cebuano at marami pang iba ngunit ang Kastila ang pinagmulan ng karamihan ng apelyidong Pilipino.

Maraming mga salita mula sa mga Wikang Pilipino ang nanggaling sa iba't-ibang mga paksang diwa tulad ng kalikasan, behetasyon, heograpiya at iba pa.

Ang mga halimbawa ng mga apelyido ay Daquila (makabagong uri/palabaybayan:dakila) Magsaysay (magsalaysay), Balani (magnetisimo), Malaqui (malaki o mula sa propetang Malachi), Dimatulac (hindi matulak;), "Bathala" (Visayan-Sanskrito: Bathala o Diyos), Panganiban (Tagalog: "isang kagamitan ng, masasaniban ng [hal. Diyos]") Lagip (Ilokano: alaala), Puti , Talong , Maliuanag (maliwanag), Mabanglo (Ilokano: mabango), Tumacder (tumakder, Ilokano: tumayo), at Ycasiam (ikasiyam/ika-9).

Mga sanggunian[baguhin]

  • Clavería y Zaldúa, Narciso (1849, 1973). Catálogo alfabético de apellidos (reprint). Philippine National Archives, Manila.