Amarna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Amarna (Arabe: العمارنةal-‘amārnä), na karaniwang nakilala bilang el-Amarna at bilang ang maling katawagan na Tell el-Amarna (Arabe: العمارنة al-‘amārnah‎), ay isang malawak na pook na pang-arkeolohiya sa Ehipto na kumakatawan sa mga labi o mga guho ng kabiserang lungsod na inilunsad at itinayo ng paraon na si Akhenaten ng kahulihan ng ika-18 dinastiya ng Ehipto (sirka 1353 BC), at kaagad na nilisan at pinabayaan pagdaka.[1] Ang pangalan para sa lungsod na ginagamit ng sinaunang mga Ehipsiyo ay nakasulat bilang Akhetaten (o Akhetaton — sari-sari ang mga transliterasyon), partikular na sa wikang Ingles. Ang Akhetaten ay mayroong kahulugan na "abot-tanaw ng Aten" o "kalawakan ng Aten".[2] Ang Amarna ay nasa silangang pilapilan o pampang ng Ilog Nilo sa pangmakabagong panahon na lalawigan ng Minya sa Ehipto.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "The Official Website of the Amarna Project". Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2008. http://www.amarnaproject.com/. Hinango noong 2008-10-01. 
  2. David, Rosalie 1998. Handbook to life in Ancient Egypt. Facts on File, p. 125.


Mga kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.