Amortisasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Amortisasyon (Ingles: Amortization o amortisation) ang proseso ng pagbabawas ng isang halaga sa loob ng isang panahon. Kapag ginagamit sa konteksto ng pagbili ng isang bahay, ang amortisasyon ang proseso kung saan ang prinsipal ng iyong utang(loan) ay nababawasan sa loob ng panahon ng utang. Sa bawat ginagawang pagbabayad sa mortgahe, ang isang bahagi ng kabayaran ay nilalapat tungo sa pagbabawas ng prinsipal at isa pang bahagi ay nilalapat sa pagbabayadg ng interes sa utang. Ang tabla ng amortisasyon ay nagpapakita ng rasyo ng prinsipal at interes at nagpapakita kung paanong ang halagang prinsipal ng utang ay nababawasan sa loob ng panahon. Ang amortisasyon ay pangkalahatang kilala bilang depresiasyon ng mga hindi mahahawakang asset ng isang negosyo.

Mga aplikasyon ng amortisasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang amortisasyon ay ginagamit rin sa konteksto ng pagsosona at naglalarawan ng panahon kung saan ang isang may ari ng ari arian ay dapat umayon o lumipat kung ang paggamit ng ari arian ay bumubuo sa isang preeksistenteng hindi umaayong paggamit sa ilalim ng inamendiyahang mga regulasyon ng pagsosona.