Anal Beads

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Anal Beads o kwintas na pang tumbong ay isang laruang pangsiping na binubuo ng maraming mga bola na nakadikit sa magkakasamang serye na patuloy na ipinapasok sa tumbong at pagkatapos ay inaalis ng meroong iba’t-ibang bilis depende sa nais na epekto (pinakakaraniwan kasabay ng orgasm upang mapataas lalo ang rurok nito) Ang mga taong gumagamit ng Anal Beads ay nakakaranas ng kaaya-ayang pakiramdam pag dumadaan ang bola sa makipot na spinkter ng tumbong.

Disenyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kwintas na pang tumbong ay magagamit sa iba't-ibang sukat, ang bawat bola ay may indibidwal na laki. Mayroong nag sisimula sa 25mm dyametro hanggang sa 125mm. Karamihan sa mga gumagamit nito ay pinipili ang 45mm na dyametro pataas, ngunit ang mga may karanasan sa pag gamit nito ay pumipili ng mas malalaki ang sukat para sa karagdagang kasiyahan. Ang laruang ito ay karaniwang gawa sa silicone, plastik, goma, latex, salamin, o metal. Ang dulo nito ay mayroong isang singsing na hawakan na dinisenyo para sa pag batak. Ang layunin ng singsing na ito ay para maiwasan na maiwan ang laruan na ito sa tumbong, pati narin mapadali ang kanyang pag-alis. Ang mga bola ay maaring pagdikitin kung saan ito ay pinapasok isa-isa sa pamamagitan ng manipis na tubo na hinahayaang maipasok ito ng sabay-sabay. Ang mga paraang ito ay ang sekswal na sining ng "beading off" Ang disenyong ito ay nakakatulong sa pagsasalsal (or masterbeyt) Ang madaming ugat na nilalaman ng spinkter ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagkalibog habang pinapasok o tinatanggal, ang mas malaking bola ay nagbibigay ng pakiramdam ng presyon habang nasa loob ng tumbong. Ang ibang bolang pantumbong ay nilalagyan ng teknolohiyang nagpapanginig para sa mas nakakataas na lebel ng kasiyahan.

Pag Gamit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Anal Beads ay maaring gamitin ng parehong kasarian at lahat ng sekswal na pang-angkop, kahit na masasabing ito ay "kinky" di itong masasabi na “fetish”. Kadalasan itong isinasabay sa madaming “fetish” na tulad ng pagsiping sa tumbong, pagsamba sa puwet, pamamalo sa puwet, enema o kahit anuman na konektado sa puwet, tumbong o sa paligid nito. Sa kahit anong mang sekswal na aktibidad sa pwet, importante gumamit ng pang padulas dahil ang tumbong ay mabilis mapunit o masira. Ang mga laruan na para sa puwet o tumbong ay dapat hinuhugasan ng maligagam na tubig na meroong sabon at hayaang matuyo pagkatapos. Maari din itong ilagay sa loob ng condom kapag ito ay paghahatian kasabay ng partner (o kasama)