Ang Ladlad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Ladlad
Tagapangulo Danton Remoto
Pangulo
Pinuno Danton Remoto
Tagapagsalita
Itinatag 21 Setyembre 2003 (21 Setyembre 2003)
Ideyolohiyang Pampolitika Karapatang pan-LGBT
Posisyong Pampolitika Gitna, Gitna't kaliwa, Kaliwa
Kasapiang Internasyonal
Bilang ng Miyembro
Lugar
(Mga) Kulay Pink
Websayt Ang Ladlad website

Ang Ladlad ay isa partidong pampolitika ng Pilipinas para sa mga taong ang kasarian ay lesbiyana, bakla, bisekwal, at transgender o isang taong nagpalit ng kanyang kasarian (LGBT). Itinqtag ito noong 21 Setyembre 2003, ni Danton Remoto, isang Associate Professor (propesor o guro) ng Wikang Inggles sa Pamantasan ng Ateneo de Manila.[1]

Paniniwala ng grupo na isulong ang karapatang pantao sa lahat ng mamamayang Pilipino, LGBT man o hindi.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ninais ng Ang Ladlad na lumahok sa pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2007 ngunit hindi sila pinayagan dahil sa kakulangan umano ng mga miyembro sa buing bansa.[2]

Noong Disyembre 2009, tumutol ulit ang Comelec sa petisyon ng partido para tumakbo sa pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010 sa baehang "imoralidad",[3] Humiling ang partido sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, kaya't noong 12 Enero 2010, binigyan nito ang partido ng isang temporary restraining order na nagbibigay ng utos na iimprenta sa mga balota ang pangalan ng partido.[4] Ganap na pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman na lumahok sa halalan ang partido noon 8 Abril 2010.

Programa at platporma[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod ay ang mga paniniwala at plataporma ng Ang Ladlad:[1]

  1. Pagpasa muli ng isang Batas Laban sa Diskriminasyon na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa trabaho at pantay na turing sa mga paaralan, mga pagamutan, mga kainan, mga hotel, mga lugar panlibangan, at mga tanggapan ng pamahalaan.
  2. Pagpasa muli ng batas na nagpapawalangbisa ng Batas Laban sa Bigransiya (Anti-Vagrancy Law) na nagbibigay kapangyarihan sa mga pulis na humuli ng mga LGBT sa anumang rason maliban sa krimen.
  3. Pagtataguyod ng mga hanapbuhay para sa mga mahihirap at may kapansanag LGBT;
  4. Pagtatayo ng mga tahanan para sa mga "Golden Gays:, o mga matatanda at napabayaan na'ng LGBTs, pati rin mga kabataang LGBT na pinalayas sa kani-kanilang mga tahanan. rMagbibigay din ang mga tahanang ito ng legal na tulong at pagpapayo, pati rin impormasyon sa mga iyung patungkol sa LGBT, gay ng HIV-AIDS at kalusugan sa pag-aanak. Matatagpuan anf mga tahanang ito sa mga malalaking mga lungsond gaya ng -Baguio, Cebu, Davao, at Maynila.

Hindi kabilang ang pagpapakasal ng mga LGBT (same-sex marriage) sa kanilang adyenda.[5]

Sangguninan[baguhin | baguhin ang batayan]