Angelababy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Angela Yeung Wing (ipinanganak noong 28 Pebrero 1989), mas kilala sa kanyang pang-entabladong pangalang Angelababy, ay isang modelo at aktres sa Hong Kong. Ang kanyang stage name ay nanggaling sa kombinasyon ng kanyal legal na pangalan na "Angela" at ang nickname na "Baby" na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya.[1] Siya ay may ugat na Alemanya galing sa kanyang lolo. Siya ay ipinanganak sa Shanghai at lumipat sa Hong Kong sa edad na 13.

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang karera ni Angelababy ay nagsimula noong makilala siya ng Style International Inc. sa edad na 17 at pinasok ang industriya ng pagmomodelo sa taong iyon (2007). Sumunod ay tumampok siya bilang mananayaw sa concert 《07-08世界巡迴演唱會香港站》 ni Jay Chou sa Hong Kong.

Higit pa sa kanyang mga pelikula, si Angelababy ay tumampok sa maraming catwalk appearance, telebisyon at mga patalastas (commercial) sa buong Asya. Siya rin ay gumanap sa music video ni William Chan. At saka, siya rin ang nagbigay ng boses kay Rapunzel sa bersyong Mandarin ng Tangled.

Siya rin ay gumanap sa Hapong web drama na "Tweet Love Story" noong Hulyo 2010. Ang basehan ng drama ay ang paglalahok ng mga manonood sa pamamagitan ng Twitter; apat sa mga tagpuan ay naglalaman ng nawawalang linya ni Angelababy na kinumpleto na lang galing sa napagpilian na tweet na may hash tag na #tweetlovestory.[2]

Sa Hapon[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2009, ang Avex Group, ang pinamalaking record label at talent agency ng Hapon, ay ipinirma siya ng isang kontrata para sa mga aktibidad sa Hapon.

Mga alegasyon tungkol sa retoke[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 7 Setyembre 2010, tinanggihan ni Angelababy ang mga alegasyon na pinaretoke niya ang kanyang mukha, sinasabi niya na siya ay bumisita sa isang surihano para patunayan ito.[3][4][5]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga single[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 2010: "Beauty Survivor"
  • 2011: "Love Never Stops"
  • 2011: "Everyday's A Beautiful Story"

Mga album[baguhin | baguhin ang batayan]

  • 2011: m-flo TRIBUTE ~stitch the future and past~ (Kasama ang kanyang awitin na "Tripod Baby")

Kinanta ni Angelababy ang tema ng kampanya ng 2010 Vidal Sassoon Beauty Survivor. Ang kanta ay inilabas bilang isang single. Ang kanta ay kinanta sa wikang Hapon at Ingles.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]