Anim na pagpapahalagang moral

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Pagpapahalaga[baguhin]

Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi siyang nilalang. Ang dignidad din ng tao ang pinag-ugatan ng anim na pangunahing pagpapahalagang moral.

Pagmamahal sa Diyos (love for God)[baguhin]

Bilang nilikha ng Diyos, marapat na Siya ay mahalin. Higit pa dito, Siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing Ang Diyos ay pag-ibig. Siya ang pinagmulan ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao (ultimate end).

Pagpapahalaga sa Katotohanan (love for truth)[baguhin]

Ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng tao dahil sa kanyang intellect at will. Ang kanyang pag-iisip ay may kapasidad na magsuri, magmuni-muni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago pa ang panahon.

Paggalang sa buhay (respect for life)[baguhin]

Ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Hindi maaaring isakripisyo ang buhay para lamang sa material na kagalingan.

Paggalang sa Kapangyarihan (respect for authority)[baguhin]

Ang unang tatlo sa sampung utos ng Diyos ay ang patungkol sa paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay sa atin kayat marapat lamang na igalang at sambahin ang Diyos. Ang pang-apat na utos ay ang paggalang sa mga magulang. Sila ang paraan at tinawag na kasama sa paglikha (co-creator) ng tao sa mundo. Sila rin ang bumubuhay at nangangalaga sa kanilang mga anak kaya nararapat na sila ay igalang. Ang pinuno naman ng bayan ay iginagalang dahil sila ang namumuno ng kaayusan at kabutihan ng lahat.

Sanggunian para sa pagtatalik (reference for sex)[baguhin]

Ang pagiging mabuting babae at mabuting lalaki ay sukatan ng mabuting pagkatao. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal ng tao ay nababatay kung paano ka kumilos ayon sa iyong kasarian.

Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (responsible dominion over material things)[baguhin]

Naunang likhanin ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa sa tao. Kayat ang tao ang siyang ginawang tagapangasiwa (steward) ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit mananatili ang mga bagay na ito sa mundo.