Antipolo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Antipolo
—  Lungsod  —
Lungsod ng Antipolo
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Antipolo is located in Philippines
Antipolo
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°35′N 121°10′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 14°35′N 121°10′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Rizal
Distrito Una hanggang pangalawang Distrito ng Antipolo
Mga barangay 16
Pagkatatag 1591
Ganap na Lungsod 4 Abril 1998
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Casimiro “Jun” Ynares III
Lawak
 • Kabuuan 306.1 km2 (118.2 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 677,741
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1870
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 045802000
Website antipolo.gov.ph

Ang Antipolo ay isang lungsod sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal, 25 km sa silangan ng Maynila. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa sa populasyong nitong 633,971 noong 2007.[1]

Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508,[2] naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong 4 Abril 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan.[3] Ipinroklama bilang isang lungsod na mataas ang urbanisasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong 14 Marso 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.[4][5]

Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas".[6] Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexico noong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Espanyol.[7] Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay[8] sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.[9]

Ang mas mataas na kinatatayuan ng lungsod kumpara sa Kalakhang Maynila ay nagbibigay rito ng magandang tanawin ng Kamaynilaan, lalo na tuwing gabi. Popular sa mga dayo ang lokal na mangga, kasoy at suman. Ang dating sikat na Hinulugan Taktak, na dati-rati'y isa sa mga pangunahing dinarayo tuwing tag-init, ay pinagaganda upang muling maging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng lungsod.[10]

Heograpiya[baguhin]

Sakop ng Antipolo ang buong kalaparan ng gitnang bahagi ng Rizal. Ito'y nasa paanan ng Sierra Madre kung kaya't malaking bahagi ng lungsod ay bulubundukin na may karaniwang taas na 150 metro.

Pamahalaan[baguhin]

Gaya ng iba pang mga lungsod sa Pilipinas, ang estruktura ng pamahalaan ng Antipolo ay nakabatay sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 at ipinag-ibayo pa ng Batas Republika Blg. 8508, ang kartang nagsalungsod dito.[2] Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ito ay pinamumunuan ng isang alkalde o punong lungsod, bilang punong ehekutibo ng lungsod na siyang nangangasiwa sa iba't-ibang tanggapang pampangasiwaan ng lungsod.[11]

Ang bise alkalde naman ay naninilbihan bilang tagapangulo ng Sangguniang Panlungsod, at bumuboto lamang sa tuwing kinakailangang basagin ang patas na boto ng sanggunian. Ang bise alkalde rin ang hinihirang na punong lungsod, kapag ito'y nabakante.[11]

Ang mga halal na opisyal ng Antipolo, gaya ng iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas ay may termino ng tatlong taon na nagsisimula tuwing Hunyo 30 pagkalipas ng halalan, at nagtatapos naman sa Hunyo 30 ng ikatlong taon. Sila ay maaaring mahalal ng di-lalagpas sa tatlong magkakasunod na termino.[11]

Barangay[baguhin]

Mapang pampolitika ng Antipolo

Ang lungsod ng Antipolo ay na nahahati sa 16 barangay.[12]

Barangay Sukat
Populasyon
(2000)
Kapal
Tao/ha
Bagong Nayon 301.34 33,787 112.12
Beverly Hills 28.76 1,973 68.60
Calawis 5,581.12 2,510 0.45
Cupang 1,568.23 56,131 35.79
Dalig 406.48 31,109 76.53
Dela Paz (Pob.) 597.99 45,185 75.56
Inarawan 959.9 11,040 11.50
Mambugan 368.21 31,305 85.02
Mayamot 540.74 40,784 75.42
Muntindilao 473.11 7,922 16.74
San Isidro (Pob.) 479.7 39,242 81.81
San Jose (Pob.) 13,787.77 55,136 4.00
San Juan 3,327.69 5,583 1.68
San Luis 502.99 37,667 74.89
San Roque (Pob.) 723.25 36,431 50.37
Santa Cruz 725.52 35,061 48.33

Mga Kawing Panlabas[baguhin]

Sanggunian[baguhin]