Antonio Molina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Antonio Molina (1894-1980) ay ang unang Pilipinong nakatanggap ng gantimpala para sa pambansang musika. Kilala siya bilang Dekano ng mga Pilipinong Kompositor. Hindi lamang siya mahusay na musikero at kompositor, magaling din siyang guro ng musika. Nakabatay ang mga komposisyon niya sa sinaunang instrumentong pangmusika na katulad ng kulintang at gabbang. Itinuring niya ‘Ang Batingaw - Simponiyang Pangkoro’ bilang pinakamahalaga niyang katha. Kasama nina Francisco Santiago at Nicanor Abelardo, ginawa nilang kagalang-galang na anyo ng sining ang musikang Pilipino.



TalambuhayMusikaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.