Antonio Pigafetta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawan ni Antonio Pigafetta.[1]

Si Antonio Pigafetta[2] (c. 1491), ay isang Italyanong iskolar at aristokratang ipinanganak sa Vicenza ng Veneto (Venetia). Kinatipan siyang sumama at tumulong para sa kapitang Portuges na si Fernando Magallanes at mga tauhang Kastila nito patungo sa kanilang paglalayag sa Kapuluang Maluku (Malacca) simula noong 1519. Sa panahon ng biyahe, nagtabi siya ng tumpak at magkakasunod na mga tala na lumaong nakatulong sa pagsasalin niya ng isa sa mga wika sa Pilipinas, ang Sebwano. Ito ang pinakaunang pagtatala hinggil sa wikang ito.

Mula sa tinatayang mga 240 tauhan na naglayag kasama ni Magallanes noong 1519, isa si Pigafetta sa mga 18 lamang na nakabalik sa Espanya noong 1522, bilang pagkakabuo ng sirkumnabigasyon (paglalakbay sa kabuuan ng mundo) sa ilalim ng pagka-kapitan ni Juan Sebastián Elcano makalipas ang kamatayan ni Magallanes.

Naging sanggunian ang kaniyang talaan ng kasaysayan ng mga sunud-sunod na pangyayari ng karamihan sa mga nalalaman ngayon tungkol sa paglalakbay nina Magallanes at Elcano.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilalarawan sa pelikulang Lapu Lapu (2002) si Antonio Pigafetta bilang miyembro ng ekspedisyon ni Magallanes sa Cebu.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]


Silipin din[baguhin | baguhin ang batayan]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.