Antonio Zucchi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Larawan ng kanyang asawa na si Antonio Zucchi ni Angelica Kauffmann, 1781.

Si Antonio Pietro Zucchi (1726–1795) ay isang Italyanong pintor noong kapanahunang Neoklasiko. Ipinanganak siya sa Venice at namatay sa Roma. Pinakasalan niya ang tagapagpintang si Angelica Kauffmann, na sa kahulihan ng buhay, ay lumipat sa Roma na kasama ang kanyang asawa. Nakagawa siya ng ilang bilang ng mga lilok sa metal ng mga capriccio at mga veduta ng mga klasikal na gusali o mga guho. Nakasama niya sa larangan ng pagpipinta si Robert Adam sa pagpapalamuti ng mga palasyo sa Inglatera. Sa Inglatera, nahalal siya bilang isang kasama (associate sa Ingles) sa Royal na Akademya ng Pagpipinta at Paglililok noong 1770. Isa siyang estudyante ng mga pintor na sina Francesco Fontebasso at Jacopo Amigoni.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


ItalyaSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.