African trypanosomiasis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
African trypanosomiasis
Klasipikasyon at panlabas na mga napagkunan
Trypanosoma forms in a blood smear
ICD-10 B56.
ICD-9 086.5
DiseasesDB 29277 13400
MedlinePlus 001362
eMedicine med/2140
MeSH D014353

Ang African trypanosomiasis[1][2] ay isang karamdamang endemiko sa Aprika[3] na dulot ng parasito sa tao at ibang hayop. Ito ay dulot ng parasitong Trypanosoma brucei.[4] Sa sakit na ito ang pasyente ay sumusulong na maging mas tamad at mas aantuk-antok.[3] May dalawang uri ng parasitong nagdudulot nito sa mga tao, ang Trypanosoma brucei gambiense (T.b.g. o Trypanosoma gambiense lamang[3]) at ang Trypanosoma brucei rhodesiense (T.b.r.).[2] Ang T.b.g. ang sanhi ng mahigit sa 98% ng mga naitalang kaso.[2] Ang dalawa ay karaniwang ihinahawa sa pamamagitan ng kagat ng mga may impeksiyon ng langaw na tsetse at pinaka karaniwang nasa mga lugar na nasa mga probinsiya.[2]

Sa umpisa, sa unang yugto ng karamdaman, may mga lagnat, pananakit ng ulo, pangangati, at pananakit ng kasu-kasuan.[2] Ito ay nagsisimuka sa isa hanggang tatlong linggo pagkalipas ng kagat.[5] Pagkalipas ng mga linggo hanggang mga buwan, ang pangalawang yugto ay magsisimula sa pagkalito, di magandang koordinasyon,pamamanhid at hirap sa pagtulog.[2][5] Ang pagkakatukoy ng sakit ay sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng parasite sa blood smear o sa likido sa kulani.[5] Ang lumbar puncture ay madalas na kinakailangan para matukoy ang kaibhan sa pagitan ng una at pangalawang yugto ng karamdaman.[5]

Ang pag-iwas sa paglala ng karamdaman ay may kinalaman sa screening (o pagpapasuri)ng populasyon na nanganganib sa pamamagitan ng mga pagsusuri ng dugo para sa T.b.g.[2] Ang pagkakagamot ay madali kapag ang karamdaman ay natukoy nang maaga at bago magkaroon ng mga sintomas sa mga nerbiyo.[2] Ang paggamot ng unang yugto ay paggamot ng pentamidine o suramin.[2] Ang paggamot ng ikalwang yugto ay sa pamamagitan ng eflornithine o ang kumbinasyon ng nifurtimox at eflornithine para sa T.b.g.[5] Kahit na ang melarsoprol ay mabisa para sa dalawa, ito ay karaniwang ginagamit lamang para sa T.b.r. dahil sa malulubhang di inaasahang nakakapinsalang epekto ng gamot.[2]

Regular na nagaganap ang karamdaman sa ilang rehiyon ng Sub-Saharan Africa, na may populasyon na nanganganib na humigit-kumulang na 70 milyon sa 36 na bansa.[6] Hanggang noong 2010, nagdulot na ito ng 9,000 na kamatayan, bumaba mula 34,000 noong 1990.[7] Ang tinatayang 30,000 na katao ay kasalukuyang may impeksiyon, na may 7000 na mga bagong impeksiyon noong 2012.[2] Ang mahigit sa 80% ng mga kasong ito ay nasa Democratic Republic of the Congo.[2] May tatlong malagap na outbreak ang naganap sa kasaysayan: isa ay mula 1896 hanggang 1906 na pangunahin ay sa Uganda at ang Congo Basin, at ang ikalawa ay noong 1920 at 1970 sa mga ilang African a bansa.[2] Ang mga ibang hayop, na tulad ng mga baka, ay maaaring nagdala ng karamdaman at nagkaimpeksiyon.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ibang tawag: African lethargy, sleeping sickness, Congo trypanosomiasis
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 WHO Media centre (June 2013). Fact sheet N°259: Trypanosomiasis, Human African (sleeping sickness). http://www.who.int/mediacentre/factsheets/fs259/en/. 
  3. 3.0 3.1 3.2 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "African lethargy". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 20.
  4. MedlinePlus Encyclopedia Sleeping sickness
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Kennedy, PG (2013 Feb). "Clinical features, diagnosis, and treatment of human African trypanosomiasis (sleeping sickness).". Lancet neurology 12 (2): 186-94. PMID 23260189. 
  6. Simarro PP, Cecchi G, Franco JR, Paone M, Diarra A, Ruiz-Postigo JA, Fèvre EM, Mattioli RC, Jannin JG (2012). "Estimating and Mapping the Population at Risk of Sleeping Sickness". PLoS Negl Trop Dis 6 (10): e1859. doi:10.1371/journal.pntd.0001859. 
  7. Lozano, R (Dec 15, 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010.". Lancet 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604.