Arashi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Arashi
Pinanggalingan Tokyo, Hapon
Genre J-Pop (Hapon na Pop), R&B, Hip-Pop, Bubblegum Pop
Taong aktibo 1999 - Kasalukuyan
Mga tatak Pony Canyon (1999-2002)
J Storm (2002-Kasalukuyan)
Sityo Opisyal na Pahina sa J Storm
Mga kasapi
Satoshi Ohno, Sho Sakurai, Masaki Aiba, Kazunari Ninomiya, Jun Matsumoto

Ang Arashi ( Bagyo?) ay grupo ng mang-aawit na binubuo ng limang lalaki mula sa bansang Hapon. Sinimulan noong 15 Setyembre 1999 ng companyang Johnny & Associates (Johnny's), sila ay unang nailagda sa Pony Canyon records hanggang 2002, bago inilipat sa J-Storm records (na pag-aari ng Johhny's), na ngayon ay gumagawa at nag-po-produce ng kanilang mga awit at album.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Maraming uri ng musika ang inaawit ng grupo, katulad ng R&B, hip hop at iba't-ibang uri ng pop. Maliban sa pagiging sikat na idols sa bansang Hapon, kilala rin ang Arashi sa ibang bansa sa Asya at sa mga taga-tangkilik ng j-pop sa buong mundo. Ipinakilala ang grupo ng Johnny's noong 15 Setyembre 1999 sa isang pulong pambalitaan sa isang barko sa karagatan ng Honolulu, Hawaii. Ang kanilang unang awit, "A・RA・SHI", ang naging temang awit para sa World Cup ng Volleyball na ginanap sa Hapon noong 1999.[1]

Pagsapit ng 2006, ang kanilang mga album at mga kanta ay inilalabas na labas ng bansang Hapon. Ang kanilang ika-6 na album, Arashic, ay inilabas rin sa Hong Kong, Timog Korea, Taiwan at Thailand. Bilang pasasalamat sa kanilang mga taga-tangkilik sa ibang bansa, inilunsad ang isang araw na Jet Storm Tour, na lumibot sa Taiwan, Thailand at Timog Korea, na mga bansang naging bahagi ng kanilang unang mga konserto sa labas ng Hapon (Hindi itinuloy ang konserto na gaganapin sana sa Thailand dahil sa isang kudeta doon).

Ang konserto sa Korea ay pinagpasiyahan dahil sa humigit-kumulang na 1,500 mga taga-hanga na sumalubong sa grupo sa Paliparan ng Incheon para sa isang pulong pambalitaan.[2] Ang konserto, na ginanap noong 12 Nobyembre 2006, ang kauna-unahang konserto ng isang grupo ng Johnny's sa Timog Korea.[3][4] Ang mga tiket para sa konserto ay naubos matapos ang isang oras, matapos mag-unahan ang humigit sa 150,000 na tao na bumili ng tiket sa internet.[5] Maliban sa kanilang konserto, kinatawan nila ang bansang Hapon sa 2006 Asia Song Festival na ginanap rin sa Timog Korea.[2]

Ang kanilang unang kanta ng 2007, ang "Love so sweet", ay inilabas noong 21 Pebrero 2007. Ang awit ay ginamit nilang tema sa palabas na Hana Yori Dango 2 Returns, na isa sa pinaka-pinanood na palabas sa telebisyon sa Hapon noong 2007. Umabot ang kantang ito sa unang lugar sa Talaan ng Oricon, at nagtala ng higit sa 200,000 kopyang naibenta matapos ang isang linggo. Ang sumunod nilang kantang "We Can Make It!" na inilabas noong Mayo, ay umabot rin sa unang lugar sa Oricon. Matapos ang kanilang matagumpay na konserto sa iba't ibang bansa sa Asya, inilunsad ang isa sa kanilang pinala-malaking konserto, na pinamagatang Arashi Around Asia in Dome. Sa dami ng mga taong nais makanood ng konserto, ginananap ito sa dalawang malalaking simboryo sa Osaka at Tokyo, na may kakayahang mag-laman ng 100,000 katao bawat isa.[1] Ang kanilang ika-9 na album, ang Time, na inilabas noong Hulyo, ay naka-abot hindi lamang sa unang pwesto sa Oricon sa Hapon, kundi pati sa pandaigdigan na talaan sa ikalawang pwesto. Noong Hulyo rin ipinalabas nang Tokyo Broadcasting System (TBS) ang palabas na Yamada Taro Monogatari na kinabilangan nina Kazunari Ninomiya at Sho Sakurai. Ang temang awit para rito na pinamagatang "Happiness" ay inawit rin ng grupo at umabot sa rin unang pwesto sa Oricon. Sa kabuuan, naging matagumpay ang taong 2007 para sa grupo; ang lahat ng kanilang mga inilabas na kanta ay umabot sa taunang Top 30 ng Oricon, kabilang na ang "Love so sweet" na umabot pa sa ika-4 sa pinaka-mabentang nag-iisa ng buong taon.

Dala ng tagumpay nila noong nakalipas na taon, dalawang malaking pagpapahayag ang ginanap noong Pebrero 2008. Ang una ay ang kanilang paglibot sa limang malalaking simburyo sa Tokyo, Nagoya, Osaka, Fukuoka, at Sapporo. Ang paglibot na pinangalanang ARASHI Marks 2008 Dream-A-live ay binubuo ng 10 pangtatanghal mula Mayo 16 sa Osaka hanggang Hulyo 6 sa Sapporo. Dalawang ibang mga grupo pa lamang sa Johnny's ang nagtanghal ng paglilibot sa mga lugar na ito, ang SMAP at KinKi Kids.[6] Ang ikalawang pagpapahayag ay mula sa TBS, na ipinahayag na ang grupo ay magiging punong abala sa isang variety na palabas sa primetime, na tutukoy sa mga usaping panlipunan at kultural. Ang palabas, na may pamagat na Himitsu no Arashi-chan ("Lihim ni Arashi-chan") ay isasahimpapawid ng ika-10 ng gabi mula Abril 10.[7] Bilang pagpapakalat ng programa, ang grupo ay lumabas sa Tokyo Friend Park ng TBS noong 31 Marso, na naging pinaka-pinanood na palabas na hindi drama noong gabing iyon, na nagtala ng 19.7% na rating.[8] Sila ang ika-3 grupong mag-tatanghal sa National Stadium ng Tokyo sa kanilang unang outdoor na konserto sa 5 Setyembre 2008 (Matapos ng SMAP at Dreams Come True) upang simulan ang kanilang pangalawang paglilibot sa Asya, na pumunta sa Seoul, Timog Korea, Taipei sa Taiwan, at sa Shanghai, ang unang konserto ng Johnny's sa Tsina.[9][10] Noong parehong taon, nakamit ng grupo ang dalawang pinaka-mataas na pwesto ng talaan ng Oricon para sa mga nag-iisang kanta. Ang "truth/Kaze no Mukou e" ang naging pinaka-maraming nabentang kopya ng nag-iisa, na nasundan ng "One Love". Ang Arashi ang ika-lima lamang na mang-aawit na nakagawa ito, na huling nangyari labing-syam na taong nakaraan ng grupong Princess Princess. Samantala, ang kanilang huling kanta ng 2008, ang "Beautiful days" ay nasa ika-10 pwesto at ang "Step and Go" naman ay nasa ika-12.[11]

Sa ngayon, ang Arashi ay naglabas na ng dalawampu't isang mga awiting inilabas na nag-iisa at walong album.

Mga Miyembro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Arashi ay binunuo nila

  • Satoshi Ohno (大野智?)
  • Sho Sakurai (櫻井翔?)
  • Masaki Aiba (相葉雅紀?)
  • Kazunari Ninomiya (二宮和也?)
  • Jun Matsumoto (松本潤?)

Si Satoshi Ohno, ang pinaka-matanda sa Arashi, ang nag-aatubiling pinuno ng grupo mataspos manalo ng Jack en Poy laban kay Sho Sakurai sa isang palabas sa telebisyon. Bilang pinuno at naka-tatanda, siya ang pangunahing kumakanta sa mga awit. Bagamat sinabi nya na hindi nya ninais maging pinuno, naniniwala naman ang iba pang mga miyembro na sya ay isang "pinuno ng makabagong panahon" na namumuno sa grupo sa pamamagitan ng hindi nito pamumuno. Maliban sa pagiging pangunahing uma-awit, siya rin ang lumilikha ng mga galaw na ginagamit nila sa pag-sayaw, na minsan ay hindi nasusundan ng ibang mga miyembro. Siya ang kalahati ng katatawanan duo, ang Ohmiya SK, kasama si Kazunari Ninomiya. Sa lahat ng mga miyembro, siya rin ang pinaka-masining; imbes na lumabas sa telebisyon, mas ninanais nyang lumabas sa entablado o gumawa ng mga likhang sining. Lumabas sya sa kanyang unang konsertong na nag-iisa lamang noong 29 Enero 2006. Noong 2008, siya ang unang artista sa Johnny's na nagtanghal ng pagtatanghal ng kanyang mga likhang sining na pinangalanan na "Freestyle", na inilibot pa sa iba't ibang bahagi sa Hapon.

Si Sho Sakurai ang kumakanta ng mga rap sa mga awit ng grupo (na kilala sa tawag na "Sakurap"), na ang titik ay sya ring nagsusulat. Siya ang unang miyembro na nagtanghal ng isang konsertong nag-iisa. Sa kasalukuyan, sya ay isa sa mga tagapagbalita sa programang News Zero, kung saan sya ang naging unang idol na nanguna sa isang panghalalan na pagsasahimpapawid.[1][12] Siya ang pinaka-aral sa grupo; nagtapos sya mula sa Unibersidad ng Keio, isa sa pinaka-tanyag na pamantasan sa Hapon. Sa kanyang panahon noong mga unang taon ng Arashi, sya ang itinalagang "Pinuno sa pag-aaral".

Si Masaki Aiba ang pinaka-matangkad sa grupo, na kilala sa kanyang natatanging boses, na dulot ng isang operasyon matapos syang magkaroon ng Pneumothorax o pagkalugmok ng baga. Bago ang operasyon, tumutugtog sya ng saxophone. Siya ay nakikisalamuho at nakikilaro sa iba't ibang uri ng hayop bilang abala sa programang Tensai! Shimura Doubutsuen. Mahilig din siya sa mga larong pampalakasan, katulad ng basketball. Kilala sya sa pagkakaroon ng maikling agwat ng pagpapansin, na nagdudulot ng pagkakawala ng mga paksa sa mga interview at pag-uusap at madalas rin syang magkamali sa pagbabasa ng Kanji (isang uri ng panunulat sa wikang Hapon).

Nakilala naman si Kazunari Ninomiya sa kanyang pag-ganap sa pelikulang Letters from Iwo Jima ni Clint Eastwood. Siya ang kauna-unahang miyembro ng Arashi na lumabas sa isang Hollywood na pelikula. Kasama si Jun Matsumoto, kilala sya sa pagiging isa sa pinakamagaling na batang aktor sa Hapon. Siya ay tumutugtog ng gitara, piano, lumilikha ng awit at nagsusulat ng mga titik nito. Kilala rin sya sa pagkahilig maglaro ng video games, at dati nang inamin na dati siyang otaku. Siya ay may sariling programa sa radyo, kung saan siya gumagawa ng sariling salin ng mga kanta ng Arashi.

Si Matsumoto Jun ang pinakabatang miyembro ng Arashi. Kilala naman siya sa mga papel nya sa programang pantelebisyon katulad ng Bambino, Hana Yori Dango, Kimi wa Petto, at Gokusen. Siya ang unang lalaking Hapon na lumabas sa takip ng Marie Claire Japan. Tinawag siyang "concert master" ng pinunong si Satoshi Ohno dahil sa kanyang mata para sa mga bagay-bagay. Noong mga unang taon niya sa Arashi, itinalaga siya "Pinuno ng pagpapatawa". Sa kasalukuyan, nawala na ang imaheng ito, at natumbasan na rin syang "DoS" ng ibang mga miyembro (Ang "S" ay nangangahulugang "sadista" at ang "Do" ay "napaka" sa wikang Hapon). Isa sya sa tatlong talento sa Johnny's na hindi sumailalim sa audition.

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga album[baguhin | baguhin ang batayan]

# Natatanging impormasyon Mga nag-iisa
1 Arashi No.1 Ichigou -Arashi wa Arashi o Yobu!-
嵐 No.1 (Ichigou) -嵐は嵐を呼ぶ-
  • Leybel: Pony Canyon
    PCCJ-00004
  • Inilabas noong: 24 Enero 2001
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 63:11
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • A・RA・SHI
  • Kansha Kangeki Ame Arashi
  • Typhoon Generation
2 Here We Go!
  • Leybel: J Storm
    JACA-5002 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5003 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 17 Hulyo 2002
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 61:15
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • A Day in Our Life
  • Nice na Kokoroiki
3 How's It Going?
  • Leybel: J Storm
    JACA-5007 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5008 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 9 Hulyo 2003
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 64:09
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #2
  • Tomadoi Nagara
  • PIKA☆NCHI
4 Iza, Now!
いざッ、Now!
  • Leybel: J Storm
    JACA-5014 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5015 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 21 Hulyo 2004
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 60:38
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #12[13]
  • Hadashi No Mirai/Kotoba yori Taisetsu na Mono
  • PIKA★★NCHI DOUBLE
5 One
  • Leybel: J Storm
    JACA-5024 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5025 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 3 Agosto 2005
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 52:04
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #10[14]
  • Sakura Sake
6 Arashic
  • Leybel: J Storm
    JACA-5041 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5042 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 5 Hulyo 2006
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 58:39
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #8[15]
  • Wish
  • Kitto Daijoubu
7 Time
  • Leybel: J Storm
    JACA-5064-5065 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5066 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 11 Hulyo 2007
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 62:37
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #2[16]
  • Love so sweet
  • We Can Make It!
  • Aozora Pedal
8 Dream"A"live
  • Leybel: J Storm
    JACA-5089-5090 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5091 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 23 Abril 2008
  • Inilabas sa: CD
  • Haba:
    76:00 (Kaunting pagkakalimbag)
    59:01 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Billboard (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #2[17]
  • Happiness
  • Step and Go
Sanggunian ng impormasyon sa Talaan ng Oricon:[18]

Mga album na kalipunan[baguhin | baguhin ang batayan]

# Natatanging impormasyon Mga nag-iisa
(Na hindi pa inilabas sa ibang album)
1 Arashi Single Collection 1999-2001
  • Leybel: Pony Canyon
    PCCJ-00004
  • Inilabas noong: 16 Mayo 2002
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: -
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #4
  • Kimi no Tame ni Boku ga Iru
  • Jidai
2 Arashi 5x5: The Best Selection of 2002-2004
  • Leybel: J Storm
    JACA-5002 (Kaunting pagkakalimbag)
    JACA-5003 (Karaniwang pagkakalimbag)
  • Inilabas noong: 10 Nobyembre 2004
  • Inilabas sa: CD
  • Haba: 70:06
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng Oricon (Hapon): #1
  • Pinakamataas na pwesto sa Talaan ng United World: #15[19]
  • Hitomi no Naka no Galaxy/Hero
Sanggunian ng impormasyon sa Talaan ng Oricon:[18]

Mga nag-iisa[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilabas noong Pamagat Pinakamataas na pwesto sa Talaan (Hapon)[18] Leybel/Numero sa Katalog Natatanging Impormasyon
1999-11-03 "A・RA・SHI" #1 Pony Canyon
DJ-00001
Ginamit sa programang V no Arashi
2000-04-01 "Sunrise Nippon/HORIZON"
(Sunrise日本/HORIZON?)
#1 CJ-00001 Ginamit sa palabas na Ikebukuro West Gate Park
2000-07-12 "Typhoon Generation"
(台風ジェネレション?)
#2 CJ-00002
2000-11-08 "Kansha Kangeki Ame Arashi"
(感謝カンゲキ雨嵐?)
#1 CJ-00003 Temang awit para sa palabas na Namida o Fuite
2001-04-18 "Kimi no Tame ni Boku ga Iru"
(君のために僕がいる?)
#1 CJ-00005
2001-08-01 "Jidai"
(時代?)
#1 CJ-00006
  • Huling awit sa ilalim ng leybel na Pony Canyon
  • Temang awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Kindaichi Shonen no Jikenbo 3
2002-02-06 "A Day in Our Life" #1 J Storm
JADA-5001
Temang awit para sa palabas ni Sho Sakurai na Kisarazu Cat's Eye
2002-04-17 "Nice na Kokoroiki"
(ナイスな心意気?)
#1 JADA-5002
JADA-5003
2002-10-17 "PIKA☆NCHI" #1 JADA-5004
JADA-5005
Ginamit sa pelikulang Pika☆nchi Life is Hard Dakedo Happy
2003-02-13 "Tomadoi Nagara"
(とまどいながら?)
#2 JADA-5005
JADA-5006
Isa sa mga kantang ginamit sa palabas na Yoiko no Mikata
2003-09-03 "Hadashi No Mirai/Kotoba yori Taisetsu na Mono"
(ハダシの未来/言葉より大切なもの?)
#2 JADA-5009
JADA-5010
  • Ang "Hadashi No Mirai" ay ginamit sa patalastas ng Coca-Cola
  • Ang "Kotoba Yori Taisetsu na Mono" ay ginamit sa kontorbersyal na palabas ni Kazunari Ninomiya na Stand Up!!
2004-02-18 "PIKA★★NCHI Double" #1 JADA-5012
JADA-5013
Ginamit sa pelikulang Pika☆☆nchi Life Is Hard Dakara Happy
2004-08-18 "Hitomi no Naka no Galaxy/Hero"
(瞳の中のGalaxy/Hero?)
#1 JACA-5016
JACA-5017
JACA-5018
  • Ang "Hero" ay ginamit ng Nippon Television (NTV) sa kanilang pagsasahimpapawid ng Palarong Olympics.
  • "Hitomi no Naka no Galaxy" ay ginamit sa palabas na Minami Kun no Koibito
2005-03-23 "Sakura Sake"
(サクラ咲け?)
#1 JADA-5021
JADA-5022
Ginamit na tema para sa Johnan Yobiko, isang paaralan.
2005-11-16 "Wish" #1 JADA-5026
JADA-5027
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Hana Yori Dango
2006-05-17 "Kitto Daijoubu"
(きっと大丈夫?)
#1 JADA-5039
JADA-5040
Nagustuhan nito ng ilang mga sikat na mangaawit katulad nina Ken Hirai at Eiji Wentz (WaT).
2006-08-02 "Aozora Pedal"
(アオゾラペダル?)
#1 JACB-0001
JACB-0002
JACB-0003
Temang kanta para sa pelikulang Honey & Clover, na kasama si Sho Sakurai
2007-02-21 "Love so sweet" #1 JADA-5052
JADA-5053
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Hana Yori Dango 2 Returns
2007-05-17 "We Can Make It!" #1 JADA-5059
JADA-5060
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Bambino!
2007-09-05 "Happiness" #1 JADA-5070
JADA-5071
Pambungad na awit para sa palabas nina Kazunari Ninomiya and Sho Sakurai na pinamagatang Yamada Taro Monogatari
2008-02-20 "Step and Go" #1 JACA-5086
JACA-5088
Nagtala ng higit sa 300,000 kopyang naibenta sa loob lamang ng isang linggo.
2008-06-25 "One Love" #1 JACA-5102
JACA-5104
Gagamitin sa pelikulang Hana Yori Dango Final, na kasama si Jun Matsumoto.
2008-08-20 "truth/Kaze no Mukou e"
(truth/風の向こうへ?)
#1 JACA-5109-10
JACA-5111-12
JACA-5113
  • Ang "truth" ay ginamit sa palabas ni Satoshi Ohno na, Maou.
  • Ang "Kaze no Mukou e" ay ginamit ng Nippon Television (NTV) sa kanilang pagsasahimpapawid ng Palarong Olympics.
2008-11-05 "Beautiful Days" #1 JACA-5124
JACA-5122
Gagamitin sa palabas Ryusei no Kizuna, na kasama si Kazunari Ninomiya.
2009-03-04 "Believe/Kumorinochi, Kaisei" TBD JACA-5132-33
JACA-5134-35
JACA-5136
  • Ang "Believe" ay ginamit sa pelikula ni Sakurai Sho na, Yatterman.
  • Ang "Kumorinochi, Kaisei" ay ang unang solong awit ni Satoshi Ohno na gagamitin sa palabas na Uta no Onii-san. Gagamitin nya ang pangalang Yano Kenta, na pangalan ng kanyang ginampanan sa palabas.

Mga Iba pang Inilabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Video[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilabas noong Pamagat Leybel/Numero sa Katalog
2000-06-28 "Suppin' Arashi" Pony Canyon
PCVP-52921 (VHS)
2002-06-12 "All or Nothing" J Storm
JABA-5001 (DVD)
JAVA-5001 (VHS)
2003-06-25 "Pika☆nchi Life is Hard Dakedo Happy"
(ピカ☆ンチ Life is Hard だけど Happy)
Johnny's
PIBD-7340 (DVD)
PIBD-7341 (Limited Ed. VHS)
2003-12-17 "How's It Going?" J Storm
JABA-5002 (DVD)
JAVA-5002 (VHS)
2005-01-01 "2004 Arashi! Iza, Now Tour!!" JABA-5005 (DVD)
JABA-5006 (LE DVD)
JAVA-5004 (VHS)
2004-02-18 "Making of Pika☆nchi Life is Hard Dakara Happy"
(メイキング・オブ・ピカ☆ンチ Life is Hard だから Happy)
Johnny's
GNBD-7008 (DVD)
2004-10-20 "Pika☆nchi Life is Hard Dakara Happy"
(ピカ☆ンチ Life is Hard だから Happy)
GNBD-7066 (LE DVD)
GNBD-7067 (DVD)
2006-11-01 "C x D x G no Arashi Vol. 1" VPBF-12667 (DVD)
2006-11-01 "C x D x G no Arashi Vol. 2" VPBF-12668 (DVD)
2007-05-23 "Arashi Around Asia; Thailand-Taiwan-Korea" J Storm
JABA-5020-5022 (LE DVD)
JABA-5023-5024 (DVD)
2007-10-03 "Kiiroi Namida" (Luhang dilaw)
(黄色い涙)
Johnny's
GNBD-7429 (LE DVD)
GNBD-7430 (DVD)
2007-10-17 "Arashi Around Asia+ in Dome" J Storm
JABA-5025-5026 (LE DVD)
JABA-5027-5028 (DVD)
2008-04-16 "Summer Tour 2007 Final: Time - Kotoba no Chikara" (Kakayahan ng salita)
(Summer Tour 2007 Final: Time - コトバノチカラ)
J Storm
JABA-5038 (DVD)

Aklat ng Litrato[baguhin | baguhin ang batayan]

Inilabas noong Pamagat Naglimbag ISBN
2002-06-15 In A Rush Magazine House 4-838783-60-4
2002-10-04 Arashi 04150515 M. Co. 4-048535-59-5
2004-03-01 Pikanchi A to Z: Arashi no Pikanchi Daburu na Hibi
(ピカ☆ンチ AtoZ 嵐のピカ☆ンチダブルな日々)
M. Co. 4-048941-53-4
2005-07-26 Arashigoto: Marugoto Arashi no 5-Nen-Han
(アラシゴト まるごと嵐の5年半)
Shuueisha 4-087804-16-X
2007-01-11 Arashi Around Asia M. Co. 4-048942-01-8
2007-04-04 Kiiroi Namida: 1963's Arashi
(黄色い涙 西暦一九六三年の嵐)
M. Co. 4-048942-03-4

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 (Hapon) Arashi Biography, Johnny's Net. Nakuha noong 2008-06-05.
  2. 2.0 2.1 J-Pop Group Arashi Promises to Charm Korean Fans, The Korean Times. Nakuha noong 2008-06-05. Alternatibong kawing [1] Nakuha noong 2008-06-07.
  3. Taking Korea by Storm Japan Zone. Accessed March 2007.
  4. Arashi begins its conquest of Asia, Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
  5. Arashi Concert in Korea Sold Out in 1 Hour, KBS Global. Nakuha noong 2008-06-05.
  6. Arashi Announces "5 Dome Tour", Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
  7. Arashi to host prime time variety show, Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
  8. (Hapon) March 31 TV Ratings, non-drama, Shichoritsu TV Ratings. Nakuha noong 2008-06-05.
  9. Othello's Matsushima to Wed Marsas Sound Machine Singer, Japan Zone. Nakuha noong 2008-06-20.
  10. Johnny's group Arashi to tour Asia from September, Japan Today. Nakuha noong 2008-06-20.
  11. Taunang Ranking ng Oricon, Oricon. Nakuha noong 2009-01-30.
  12. Sho Sakurai helps bring politics to youths, Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-06.
  13. Week 32 / 2004 - August 7, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
  14. Week 32 / 2005 - August 20, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
  15. Week 29 / 2006 - July 22, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
  16. Week 30 / 2007 - July 28, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
  17. Week 19 / 2008 - May 10, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
  18. 18.0 18.1 18.2 Arashi na Pahina sa ThePPN. Nakuha noong 2008-06-05.
  19. Week 48 / 2004 - November 27, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.