Arhentina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republikang Arhentino
República Argentina
Pambansang Kasabihan: 
Pambansang Awit: 

Sol de Mayo
(Araw ng Mayo)

Sol de Mayo
Ang Pangunahing Lupain ng Arhentina ay ipinakikita sa malamlam na luntian, at ang mga inaangking lupain naman sa mapusyaw na luntian
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Buenos Aires
34°20′S 58°30′W / 34.333°N May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / 34.333; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Kastila/Espanyol
Pamahalaan Republikang pederal
 -  Pangulo Cristina Fernández de Kirchner
Kalayaan mula sa Espanya 
 -  Rebolusyong Mayo Mayo 25, 1810 
 -  Pinahayag Hulyo 9, 1816 
 -  Kinilala 1821 (ng Portugal
Lawak
 -  Kabuuan 2,791,810¤ km2 (ika-8)
1,077,924¤ sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.1
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2006 39,921,833 (ika-30)
 -  Senso ng 2001 36,260,130 
 -  Kakapalan 13/km2 (ika-165)
33.7/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan US$ 537.2 bilyon [1] (ika-22)
 -  Per capita US$ 14,087 (ika-50)
TKT (2003) 0.863 (high) (ika-34)
Salipi Peso (ARS)
Pook ng oras ART (UTC-3)
 -  Tag-araw (DST) ARST (UTC-3)
Internet TLD .ar
Kodigong pantawag 54

Ang Arhentina[1] (Kastila: Argentina, binibigkas bilang /ar·hen·TI·na/; Ingles: Argentina /ˌɑrənˈtnə/) ay isang bansa sa timog-silangan ng Timog Amerika. Kabahagi sa Katimugang Apa (Southern Cone) ang mas maliit na kapitbahayang Chile, hinahanggan ito ng Paraguay at Bolivia sa hilaga; ng Brazil sa hilagang-silangan; ng Uruguay at ng timog Karagatang Atlantiko sa silangan; ng Chile sa kanluran; at ng Drake Passage sa timog.

Pormal na tinatawag ang bansa na Republikang Arhentino (Kastila: República Argentina) habang ginagamit naman ang anyong Nación Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo.

Sa lawak ng pangunahing lupain nito na 2,780,400 km² (1,073,518 sq mi), ang Arhentina ang ikawalong pinakamalaking bansa sa buong daigdig, ikalawang pinakamalaki sa Latin Amerika, at pinakamaraming tagapagsalita ng wikang Kastila sa nasabing lugar. Inaangkin ng bansa ang Kapuluang Falkland (Falkland Islands) (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng Nagkakaisang Kaharian.

Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Batayang Pagkaunlaran ng Tao at per-kapita ng Buong Produktong Domestiko (GDP) sa grado ng kakayahan sa pamimili sa Amerika Latina.[2][3] Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country)[4] o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan.[5][6] Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.[7]

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangalang Arhentina (mula sa Latin: argentums, pilak) ay unang palagiang ginamit sa aklat na Historia del descubrimiento, población, y conquista del Río de la Plata (Kasaysayan ng pagkakatuklas, populasyon, at pagsakop sa Rio de la Plata [Ilog ng Pilak]) ni Ruy Díaz de Guzmán noong 1612, kung saan tinaguriang Tierra Argentina (Lupain ng Pilak) ang teritoryo.[8][9] Sa Ingles ng Britanya, nakaugaliang tawaging "The Argentine" (Ang Arhentina) ang bansa, ngunit hindi na ito pangkaraniwan sa kasalukuyan.

Politika[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]

Salta

Ang Arhentina ay isang pederasyon ng 23 lalawigan at isang nagsasariling lungsod, Buenos Aires. Ang mga lalawigan ay nahahating pang-administratibo sa mga departamento at munisipalidad, maliban sa Lalawigan ng Buenos Aires na nahahati sa mga partido. Ang Lungsod ng Buenos Aires ay nahahati sa mga komuna.





Iba't ibang paksa[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Mga bansa sa Timog Amerika
Argentina | Bolivia | Brazil | Chile | Colombia | Ecuador | Guyana | Panama | Paraguay | Peru | Suriname | Trinidad and Tobago | Uruguay | Venezuela
Mga dumidepende: Falkland Islands | French Guiana


BansaArhentina Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.