Arthur Wellesley, Unang Duke ng Wellington

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Arthur Wellesley, ang unang Duke ng Wellington.

Si Arthur Wellesley (Mayo 1, 1769 - Setyembre 14, 1852) ay isang kilalang heneral at marlika ng Gran Britanya.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinilang si Wellesley sa Dublin, Irlanda sa kaparehong taon nang isilang din si Napoleon Bonaparte. Si Bonaparte ang pinakamagiting na kalaban ni Wellesley noong kanilang kapanahunan. Nag-aral sa Kolehiyo ng Eton sa Inglatera, at naging opisyal sa hukbo ng Britanya noong 1787. Nagsilbi rin siya sa Parlamento ng Inglatera. Ginawa siyang isang Duke ng Wellington ni Haring George III, at dahil sa kaniyang mga katangiang - katulad ng katapangan, pagkamahigpit at pagkakaroon ng paninindigan - siya ay tinagurian bilang Bakal na Duke (o Iron Duke). Nanungkulan siya bilang punong ministro mula 1828 hanggang 1830.[1]

Napangasawa niya si Catherine Pakenham noong 1806, kung kanino siya nagkaroon ng dalawang supling. Nang mamatay, inilibing siya sa Katedral ni San Pablo.[1]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088
Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.