As Time Goes By

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang As Time Goes By, na may ibig sabihing "Habang Lumilipas ang Panahon" o "Sa Paglipas ng Panahon" sa pagsasalinwika, ay isang Britanikong situwasyong komedya na sumahimpapawid mula sa BBC One mula 1992 hanggang 2005. Sa pagbida sa mga artistang sina Judi Dench at Geoffrey Palmer, sinusundan ng palabas ang ugnayan sa pagitan ng dating magkasintahang muling biglang nagkita pagkaraan ng kawalan ng pakikipag-ugnayan sa loob ng 38 mga taon.[1].

Tumutukoy ang pamagat ng programa sa awiting "As Time Goes By" noong 1931, na ginamit din bilang musikang pamagat ng palabas, na nirekord ni Joe Fagin.[2]

Isinulat ni Bob Larbey ang palabas,[2] na naging kasamang tagasulat para sa The Good Life. Noong 2004, naging pang-29 ang As Time Goes By sa Britain's Best Sitcom o Pinakamahusay na Situwasyong Komedya sa Britanya.[3]

Isinakatuparan ng Theatre of Comedy Entertainment ang produksiyon ng serye, na kasamang tumutulong ang DLT Entertainment Ltd. (ang kompanyang higit na kilala para sa pagpapakalat ng tanyag na Amerikanong "sitkom" na Three's Company), para sa BBC.

Mga sanggunian[baguhin]



TelebisyonNagkakaisang Kaharian Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon at Nagkakaisang Kaharian ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.