Asin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang asin (Ingles: salt) ay isang mineral na pangunahing binubuo ng sodium chloride. Ito ay napakahalaga para sa mga hayop sa maliliit na dami, ngunit ito ay mapanganib sa mga hayop at halaman kung labis. Ang lasa ng asin, o maalat, ay isa sa mga pangunahing panlasa. Ito ang dahilan na ang asin ang isa sa mga pinakaluma at karaniwang pampalasa ng pagkain. Ang pagbuburo (salting) ay isang mahalagang paraan ng pag-iimbak ng pagkain.

Ang asin para sa pagkain ng tao ay ginagawa sa iba't-ibang paraan: hindi repinadong asin (tulad ng dagat-asin), repinadong asin, at iodized salt. Ito ay isang mala-kristal na solid, puti, mamutlang kulay-rosas o abo ang kulay, normal na nakuha mula sa tubig dagat o deposito sa bato. Ang nakakaing rock salt ay maaaring bahagyang kulay-abo ang kulay dahil sa nilalaman na mineral.

Ang mga ion na kloruro (Ingles: chloride) at sosa (Ingles: sodium), ang dalawang pangunahing mga bahagi ng asin, ay kailangan ng lahat ng mga kilalang nilalang sa maliit na dami. Ang asin ay kasangkot sa pangangasiwa ng tubig (balanse ng pluido) ng katawan. Gayunman, ang labis na asin ay nagdaragdag ng panganib sa kalusugan, kabilang ang mataas na presyon ng dugo. Dahil dito, ipinapayo ang mga awtoridad sa kalusugan may pinapayong mga limitasyon ng pandiyeta sosa. [1][2][3][4][5]

Sanggunian[baguhin]

  1. "American Heart Association 2010 Dietary Guidelines". 2010 Dietary Guidelines. American Heart Association. 23 Enero 2009. http://www.cnpp.usda.gov/Publications/DietaryGuidelines/2010/Meeting2/CommentAttachments/AHA-220e.pdf. Hinango noong 16 May 2010. 
  2. "Nutrient Reference Values for Australia and New Zealand - Sodium". Nutrient Reference Values for Australia and New Zealand. Australian Government National Health and Medical Research Council/ New Zealand Ministry of Health. http://www.nrv.gov.au/nutrients/sodium.htm. Hinango noong 16 Mayo 2010. 
  3. "Dietary Guidelines focus on sodium intake, sugary drinks, dairy alternatives". Food Navigator-usa.com. Decision News Media. 27 Abril 2010. http://www.foodnavigator-usa.com/On-your-radar/The-obesity-problem/Dietary-Guidelines-focus-on-sodium-intake-sugary-drinks-dairy-alternatives. Hinango noong 16 Mayo 2010. 
  4. "Sodium Chloride". Eat Well, Be Well. UK Government Food Standards Agency. http://www.eatwell.gov.uk/healthydiet/nutritionessentials/vitaminsandminerals/sodiumchloride/. Hinango noong 16 Mayo 2010. 
  5. "Health Canada, Healthy Living, Sodium". Healthy Living. Health Canada. 2008. http://www.hc-sc.gc.ca/hl-vs/iyh-vsv/food-aliment/sodium-eng.php. Hinango noong 16 Mayo 2010.