ABC Development Corporation

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Associated Broadcasting Company)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Associated Broadcasting Company
(TV5)
Uri Broadcast radio & television network
Bansa Philippines
Binuo ni/nina

19 Hunyo 1960

by Chino Roces
Islogan Para Sa Yo, Kapatid!
May-ari MediaQuest Holdings, Inc.
ABC Development Corporation
(Mga) Pangunahing tauhan Manuel V. Pangilinan, Chairman
Atty. Ray C. Espinosa, President and CEO
Roberto V. Barreiro, EVP and COO
Petsa ng pagpapalabas 21 Pebrero 1992
Dating pangalan Associated Broadcasting Corporation (1960-1972)
Opisyal na websayt TV5.com.ph
Wika Filipino/English

Ang Associated Broadcasting Company, karaniwang pinaiikli bilang ABC, ay isang network pantelebisyon sa Pilipinas, na may punong tanggapan sa Kalakhang Maynila. Ito ang ikatlong pinakamatandang network pantelebisyon sa bansa, at kasalukuyang pagmamay-ari ng Mediaquest Holdings Inc. na bahagi ng Philippine Long Distance Telephone Company, ito'y ay pinamumunuan ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan. Ang kanilang mga pangunahing himpilan ay ang DWET-TV 5 (TV5) sa telebisyon at ang Dream FM na parehong nakabase sa Kalakhang Maynila. Ang kanilang bagong pangalan ng estasyon ay TV5.

Kasaysayan[baguhin]

Ang logo ginamit mula Agosto 9,2008 hanggang Abril 4,2010

Si Joaquin "Chino" Roces, dating may-ari ng pahayagang Manila Times ay binigyan ng prangkisang pangradio at TV galing sa Kongreso sa ilalim ng Republic Act 2945 noong 19 Hunyo 1960. Kanyang tinatag ang Associated Broadcasting Corporation, ang ikaapat na naitatag na television network sa Pilipinas. Ang ABC ay nagmamay-ari ng mga himpilan ng radyo at telebisyon mula 1960 hanggang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law. Dahil rito ang ABC at ang Manila Times ay parehong ipinasara.

Nang naibalik ang demokrasya dahil sa Rebolusyon sa EDSA noong 1986, naging matagumpay si Chino Roces nang kinausap niya si dating Pangulong Corazon Aquino para muling mabuksan ang network.

Kumuha sila ng mga bagong stockholders para buhayin muli ang network. Binigyan ng pagsang-ayon ng Securities and Exchange Commission ang kanilang aplikasyon para pataasin ang kanilang kapital at ang ilang pagsusog sa kanilang articles of incorporation at by-laws. Pagkatapos nito ay nabigyan sila ng permisong tumakbo ng National Telecommunications Commission.

Sinimulang gawin ang kanilang magiging punong tanggapan at studio complex sa Novaliches, Lungsod Quezon noong 1990. At sa huling bahagi ng 1991, nagkaroon sila ng test broadcasts. Ang kanilang pormal na pagsasahimpapawid ay nagsimula noong 21 Pebrero 1992 sa ilalim ng pangalang Associated Broadcasting Company.

Nakakuha ng bagong prangkisa ang ABC noong 9 Disyembre 1994 sa ilalim ng Republic Act 7831 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos. Sa parehong taon, sila ay sumahimpapawid sa buong bansa gamit ang satellite. Dahil sa mabilis na paglago ng kompanya, nagkaroon ng reputasyon ang ABC bilang "The Fastest Growing Network".

Noong Oktubre 2003, nabili ang ABC ng isang grupong pinangungunahan ng negosyanteng si Antonio "Tonyboy" Cojuangco, dating Chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at may-ari ng Dream Satellite Broadcasting at Bank of Commerce. Pinasinayaan nila ang maraming pagbabago sa kompanya tulad ng isang mas matatag na dibisyon para sa news and public affairs, pagsasamoderno ng kanilang kagamitang pangbroadcast at ang pagkuha ng karapatang isahimpapawid ang mga laro ng Philippine Basketball Association.

Mga kaugnay na artikulo[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]


Kawing panlabas[baguhin]