Babaeng May Pamaypay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Babaeng May Pamaypay ni Diego Velázquez.

Ang Babaeng May Pamaypay (The Lady with a Fan), ca. 1638—1639, langis sa kahoy, 92.8 (taas) x 68.5 (lapad) sentimetro, ay isang orihinal na dibuho ng isang babaeng may nakapatong na itim na binurdang alindong sa ibabaw ng kanyang ulo at may suot na initimang damit, at likha ng kilalang pintor na si Diego Velázquez ng Habsburgo, Espanya. Batay sa puwesto nito sa pag-inam ng estilo ni Velázquez, ang larawan ay pinaniniwalaang kinatha sa pagitan ng 1638 at 1639.[1][2]

Ang modelo[baguhin]

Isang kabighabighaning larawan ang Babaeng May Pamaypay. Bagaman madaling makilala na kabilang sa mga pamilyang dugong-bughaw ng Espanya ang mga modelo sa ibang mga ipinintang larawan ni Velázquez, ang modelo sa Babaeng May Pamaypay ay hindi pa rin nakikilala ng may kaseguraduhan; may kakulangan sa mga ebidensiya at dokumentasyon hinggil sa larawan. Ipinapahiwatig ng mga detalye ng kasuotan ng modelo para sa Babaeng May Pamaypay na maaaring si Marie de Rohan, and dukesa (duchess) ng Chevreuse, Pransiya (1600-1679), dahil sa suot nitong pang-1630 sa Pransiya. Subalit may isang ebidensiya lamang na nagpapahiwatig na ang babae ay isang Pransesa: isang sulat na may petsang 16 Enero 1638, kung saan isinasaad na minsang iginuhit ni Velázquez ang dukesa ng Chevreuse na noon ay pinalayas mula sa Pransiya at naninirahan sa Espanya, sa ilalim ng proteksiyon ni Felipe IV. Subalit may ilang bihasa na naniniwalang hindi kahawig ng dukesa ang larawan, at ang kasuotan ng babae sa larawan ay may kasamang tapada, naunang klase ng maja noong ika-18 siglo.[1]

Pagmamay-ari[baguhin]

Unang naitala ang Babaeng May Pamaypay bilang kabilang sa koleksiyon ni Lucien Bonaparte ng unang bahagi ng ika-19 siglo. Pinaniniwalaang nakamit ni Bonaparte ang larawan sa Espanya noong 1801. Sa kadahilanang walang tala ang larawan sa kahit na anong koleksiyon sa Espanya, hindi posible na nakuha niya ang larawan mula sa Inglatera o sa Italya, kung saan siya naglagi noong panahon ng Digmaang Napoleoniko (Napoleonic Wars). Hindi rin maaari na mula sa Pransiya, kung saan nagkita si Bonaparte at ang duke ng Luynes, Pransiya na ang ninuno ay ang dukesa ng Chevreuse. Noong 1847, nasa Koleksiyong Hertford na ang larawan, subalit naging pag-aari ni Richard Wallace (Koleksiyong Wallace, London), kung saan nananatili ito magpahanggang-ngayon.[1]

Babaeng May Mantilya[baguhin]

Isang katulad na larawan, ang Babaeng May Mantilya (Lady in a Mantilla), ang lumabas sa England bago ang taon ng 1753 mula sa imbentaryong isinagawa matapos ang kamatayan ni Ginoong Burlington. Naka-eksibit ang bersyong ito sa Chatsworth. Isang tala mula imbentaryo ng pag-aari ng alkalde ng Carpio noong 1689 ang nagpapahiwatig na ang larawang ito ay nasa quarta pieza (pang-apat na silid) ng bahay ni Carpio, na kung tawagin ay ang El Jardin de San Joaquin (Ang Hardin ni San Joaquin), at saan nakasabit ito na kasama ang may dalawampung iba pang larawan ng mga lalaki at babae, sampung dibuhong maka-relihiyon, at limang paksang sekular at may kaugnayan sa mitolohiya ng Gresya.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Veliz, Zahira. Palatandan ng Katauhan ng Babaeng May Pamaypay ni Diego Velázquez: Binibigyang Konsiderasyon ang Damit at Kahawig - Ensayo ng Kritiko, Buletin ng Sining, Marso, 2004 (wika: Ingles), isinangguni noong: 24 Hunyo 2007
  2. Ang Websayt ng Koleksiyong Wallace ay mas hindi sigurado, ang petsa ng paglikha ay nasa pangalawang-kalahati ng unang bahagi ng ika-17 siglo.

Iba pang sanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na:
  • Zirpolo, Lilian (1994). "Madre Jeronima de la Fuente at Babaeng May Pamaypay: Pagbabalik-tanaw sa Dalawang Dibuho ni Velázquez". Diyaryo ng Sining na Pambabae 15 (1): 16-21. doi:10.2307/1358490.