Baboy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Baboy (paglilinaw).
Baboy
Inang baboy at kanyang biik.
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Pamilya: Suidae
Sari: Sus
Linnaeus, 1758
Species

Sus barbatus (Bearded Pig)
Sus bucculentus
Sus cebifrons (Visayan Warty Pig)
Sus celebensis (Celebes Warty Pig)
Sus domestica (Domestic pig)
Sus falconeri
Sus heureni (Flores Warty Pig)
Sus hysudricus
Sus philippensis[1]
Sus salvanius (Pigmy Hog)
Sus scrofa (Wild Boar)
Sus strozzi
Sus timoriensis (Timor Warty Pig)
Sus verrucosus (Javan pig)

Ang mga baboy ay mga ungulado (hayop na may kuko o hoof) na nasa klass Mamalia. Likas sa Eurasia, sama-sama silang nakapangkat sa genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Sila, ayon sa experto ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga domestikadong baboy ang mga baboy-ramo.[2]

Ang biik, kulig, buwik o bulaw ay isang uri ng bata o sanggol at sumususo pang anak ng inahing baboy. Bagaman tumutukoy ang bulaw sa paglalarawan ng mamula-mula o mala-gintong kulay na biik (at ginagamit din para sa tandang na manok).[3]

Tinatawag na barakong baboy ang isang lalaking baboy na nasa hustong gulang na. Samantalang inahing baboy naman ang babaeng nasa tamang edad na.[3]

Ang mga baboy ay ang pangunahing karne na kinakain nang mga tao. Dahil dito, maraming babuyan ang itinatag.

Pinagmulan ng domestikong baboy[baguhin]

Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga babaoy ay dinomestika mula sa baboy ramo noong mga 13,000–12,700 BCE sa Malapit na Silangan sa Tigris Basin[4].[5] [6] May isa ring hiwalay na domestikasyon ng mga baboy sa Tsina noon mga 8000 taong nakakaraan.[7][8]

Ang ebidensiya ng DNA mula sa mga fossil ng mga ngipin at mga panga ng mga neolotikong baboy ay nagpapakitang ang mga unang domestikadong baboy sa Europa ay dinala mula sa Malapit na Silangan. Ito ang nagtulak sa domestikasyon ng lokal na mga baboy ramo na nagresulta sa ikatlong pangyayaring domestikasyon na ang mga gene ng mga baboy ng Malapit na Silangan ay nawala sa mga baboy na Europeo. [9][10] Ang mga historikal record ay nagpapakitang ang mga Asyanong baboy ay ipinakilala sa Europa noong ika-18 hanggang ika-19 siglo. Ang mga baboy ay dinala sa timog silangang Hilagang Amerika mula sa Europa nina de Soto at ibang mga eksplorador na Espanyol.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Zoological Journal of the Linnean Society (1997), 120: 163–191.
  2. Seward, Liz (Setyembre 2007). "Pig DNA reveals farming history". BBC News. http://news.bbc.co.uk/2/hi/science/nature/6978203.stm. Hinango noong 2008-06-18. 
  3. 3.0 3.1 "Baboy, barakong baboy, inahing baboy, swine, hog, boar; biik, kulig, buwik, bulaw". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 101-102 atbp.
  4. *Sarah M. Nelson Ancestors for the Pigs. Pigs in prehistory. (1998)
  5. Rosenberg M, Nesbitt R, Redding RW, Peasnall BL (1998). Hallan Çemi, pig husbandry, and post-Pleistocene adaptations along the Taurus-Zagros Arc (Turkey). Paleorient, 24(1):25–41.
  6. Vigne, JD; Zazzo, A; Saliège, JF; Poplin, F; Guilaine, J; Simmons, A (2009). "Pre-Neolithic wild boar management and introduction to Cyprus more than 11,400 years ago". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America 106 (38): 16135–8. doi:10.1073/pnas.0905015106. . PMID 19706455. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=2752532. 
  7. Giuffra, E; Kijas, JM; Amarger, V; Carlborg, O; Jeon, JT; Andersson, L (2000). "The origin of the domestic pig: independent domestication and subsequent introgression". Genetics 154 (4): 1785–91. . PMID 10747069. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1461048. 
  8. Jean-Denis Vigne, Anne Tresset and Jean-Pierre Digard. "History of domestication" (July 3, 2012).
  9. BBC News, "Pig DNA reveals farming history" 4 September 2007. The report concerns an article in the journal PNAS
  10. Larson, G; Albarella, U; Dobney, K; Rowley-Conwy, P; Schibler, J; Tresset, A; Vigne, JD; Edwards, CJ et al. (2007). "Ancient DNA, pig domestication, and the spread of the Neolithic into Europe". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America 104 (39): 15276–81. doi:10.1073/pnas.0703411104. . PMID 17855556. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1976408. 



Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.