Bagong Taong Tsino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hayop Sangay Mga petsa
Daga 子 Zi 19 Pebrero 1996 7 Pebrero 2008
Toro 丑 Chou 7 Pebrero 1997 26 Enero 2009
Tigre 寅 Yin 28 Enero 1998 14 Pebrero 2010
Kuneho 卯 Mao 16 Pebrero 1999 3 Pebrero 2011
Dragon 辰 Chen 5 Pebrero 2000 23 Enero 2012
Ahas 巳 Yi 24 Enero 2001 10 Pebrero 2013
Kabayo 午 Wu 12 Pebrero 2002 31 Enero 2014
Tupa 未 Wei 1 Pebrero 2003 19 Pebrero 2015
Unggoy 申 Shen 22 Enero 2004 8 Pebrero 2016
Tandang 酉 You 9 Pebrero 2005 28 Enero 2017
Aso 戌 Xu 29 Enero 2006 16 Pebrero 2018
Baboy 亥 Hai 18 Pebrero 2007 5 Pebrero 2019

Ang Bagong Taong Tsino o Kapistahan ng Tagsibol, o Bagong Taon ng Buwan, ay ang pinakamahalagang nakaugaliang kapistahan ng mga Tsino. Ito ay mahalagang kapistahan sa Silangang Asya. Maliban sa Tsina at sa Silangang Asya, ito'y pinagdidiriwang din sa Timog-Silangang Asya at sa ibang mga rehiyon na may malaking populasyon ng mga Tsino, isang halimbawa ang Kanada at Estados Unidos.

Nangyayari ang Bagong Taong Tsino bawat taon sa isang bagong buwan sa panahon ng taglamig. Pumapatak ito sa Kalendaryong Gregorian sa pagitan ng 21 Enero at 21 Pebrero. Dahil astronomikal na tinatakda ang Kalendaryong Tsino, hindi tulad ng Kalendaryong Gregorian, magbabago ang sakop sa pagpapalit ng panahon. Sumasagisag ng bawat taon ng isa sa mga 12 hayop at isa sa mga limang elemento, na umiikot ang kombinasyon ng mga hayop at mga elemento sa loob ng 60 taon. Marahil ito ang pinakamahalagang kapistahang Tsino.

Nakaugalian[baguhin | baguhin ang batayan]

Paghahanda[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paghahanda para sa pagdiriwang ay isang buwan bago ang bagong taon. Paglilinis at pagaganda ng bahay, pagbili ng mga bagong damit, paggupit ng buhok, ay ilan lamang sa mga paghahanda para sa pagdiriwang.[1]

Bisperas ng Bagong Taon[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa bisperas ng bagong taon, pinagdidiriwang ito sa paghanda ng mga pagkain na may mga kahulugan katulad ng mga bola-bolang Tsino na ibig sabihin ay kayamanan dahil ito'y kahawig sa mga Ingot at halos lahat ng mga tao, kasama na ang mga bata, ay nagiinuman ng "Jiu", isang alkohol na panginumin na nagkakahulugan ng mahabang buhay.

Mga paputok[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa buong pagdidiriwang, ginagamit nag paputok para sa pag-alis na mga masasamang espiritu. Pinagbabawalan ang mga paputok sa ilang mga urbanadong lungsod sa Taiwan, Tsina, Hong Kong, Singapurra, at Indonesia habang sa Australya ay kailangan ng permit mula sa lokal na pamahalaan, sa Amerika kailangan ng patnubay ng mga pulis at firemen habang sa Pilipinas, ito'y hindi pinagbabawalan maliban na sa Lungsod ng Dabaw.

Mga pulang sobre (Ungpao)[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa bagong taon ang mga Tsino ay nagbibigayan ng mga ungpao (pulang envelope) na nalalaman ng mga pera na ibi sabihin ay swerta at kayamanan.

Lantern Festival[baguhin | baguhin ang batayan]

Ito'y pinagdidiriwang sa huling araw ng pagdiriwang ng bagong taon. Sa selebrasyon na ito'y ang mga pamilya ay nagsamasama ulit at kumakain ng Tikoy na ibig sabihin ay mahabang samahan ng pamilya.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.