Bagyong Reming

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bagyong "Reming" sa paglapag nito sa Bikol noong ika-30 ng Nobyembre

Ang Bagyong Durian (internasyonal na designasyon: 0621, designasyon ng JTWC: 24W, pangalan ng PAGASA: Reming) ay isang bagyong nagdulot ng malawakang pinsala sa Pilipinas, kung saan natabunan ng putik na galing sa Bulkang Mayon ang mga nakapalibot na barangay. Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, si Reming ang ika-24 na tropical depression, ika-23 na tropical storm, ika-14 na typhoon at ika-7 na super typhoon na humagupit sa mga karatig-bansa ng Karagatang Pasipiko noong taong iyon. Ito rin ang pang-dalawampu't isang bagyo at pang-labing-apat na super typhoon na kinilala ng Japan Meteorological Agency. Ang pangalang "Durian" na pandaigdig na pangalan nito ay isinumete ng Thailand na tumutukoy sa prutas na Durio zibethinus.

Umabot sa 720 katao na ang namatay.[1]

Kasaysayan ng bagyo[baguhin]

Namuo ang bagyong "Reming" sa timog-silangan ng Chuuk noong Nobyembre 24, 2006. Nagtagal ito hanggang Disyembre 5, 2006.

Preparasyon[baguhin]

Pilipinas[baguhin]

Daan ng bagyo

Iniutos ng mga opisyal ang paglikas ng mga naninirahan sa mga baybaying dagat. Sa Lungsod ng Naga, 1,500 katao ang lumikas sa mga emergency shelter. 1,000 ang lumikas sa iba pang mga lugar sa rehiyon,[2] kasama na ang 120 sa kabisera ng Maynila at humigit-kumulang na 800 sa Lungsod ng Legazpi. Sinuspinde ang klase sa Kamaynilaan at ang 11 pag-biyaheng himpapawid sa Pandaigdigang Paliparan ng Ninoy Aquino. Ipinagbawal ang pagbiyahe sa dagat, na nagdulot ng pagka-stranded ng 4,000 pasahero sa lalawigan ng Quezon. 25 lalawigan sa kapuluan ang inilagay sa alerto tungkol sa bagyo.[3]

Pinsala[baguhin]

Pilipinas[baguhin]

Nagdulot ang bagyong Durian ng mga mudflow at pagguho ng lupa sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon sa Albay. Nabaon ang maraming mga barangay na nakapalibot sa bulkan. Naputol ang distribusyon ng kuryente sa Bikol dahil sa mga nagbagsakang mga poste ng kuryente. Naputol din ang distribusyon ng tubig at nawalan ng komunikasyon sa mga apektadong lugar. Nasira ang mga daan papunta dito. Nagkaroon ng sakit ang karamihan sa mga biktima.

Mga references[baguhin]



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.