Bagyong Yolanda

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bagyong Yolanda (Haiyan)
Bagyo (JMA)
Superbagyong nasa Kategorya 5 (SSHS)

Si Bagyong Yolanda papasok ng Pilipinas noong 7 Nobyembre 2013
Nabuo Nobyembre 3, 2013 (2013-11-03)
Naparam Nobyembre 11, 2013 (2013-11-11)
Pinakamalakas na hangin
230 km/h (145 mph) (10-minute sustained)
315 km/h (195 mph) (1-minute sustained)
Pinakamababang presyon 895 hPa (mbar)
(Tinataya)
Mga nasawi 5,533 kumpirmado
Mga nasalanta $1.41 bilyon (2013 USD)
(Paunang kabuuan)
Mga apektadong
pook
Kabahagi ng
Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2013

Ang Bagyong Yolanda (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Haiyan) ay isang malakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik (海燕) ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig,[1][2] at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.[3]

Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.[4]

Paghahanda[baguhin]

Pilipinas[baguhin]

Ang daan ng Bagyo

Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo.[5] Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas.[6] Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo.[7] Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo.[8] Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong Rehiyon sa mga binigyan ng babala.[9]

Vietnam[baguhin]

Noong Nobyembre 8, itinaas ni Punong Ministro ng Vietnam Nguyen Tan Dung ang pinakamataas na estado ng paghahanda sa bansa.[10] Tinatayang 600,000 katao sa kalakhang katimugan at gitnang mga lalawigan ang inilikas habang 200,000 naman sa hilagang mga lalawigan. Nagpadala ng mga babala sa 85,328 mga sasakyang pandagat, na may kabuuang bilang ng mga tripulanteng nasa 385,372 katao, na maglayag sa mga ligtas na daan palayo mula sa bagyo. Nagpadala din ng kahilingan sa Tsina, Malaysia, Indonesia at Pilipinas, tulungan ang mga mangingisdang mangangailangan ng sisilungan mula sa bagyo.[11] Humigit-kumulang 460,000 mga sundalo at iba pang kinauukulan ang ipinakalat upang gabayan at tumulong sa pagpapalikas.[11] Daan-daang mga byaheng panghimpapawid ang kinansela sa buong bansa samantalang isinara ang mga paaralan noong Nobyembre 11. Pinuri ni Pratibha Mehta, ang lokal na tagapangasiwa ng UN ang paghahandang ginawa ng pamahalaan ng Vietnam.[10] Subalit, may mga reklamo ang karamihan ng mga residente na ang babala ay huli nang naipabatid.[12]

Pagtama[baguhin]

Palau at Micronesia[baguhin]

Sa Kayangel sa Palau, napinsala ng mataas na alon ang ilang mga kabahayan,[13] samantalang ang mga malalakas na hangin naman ang nagpatumba sa mga puno.[14] Sa kabila nang pagtanggi ng mga residente na lumikas, walang naiulat na nasawi o labis na nasugatan sa pulo. Nagpalipad ng mga helikopter sa pulo upang suriin ang pinsala at makapagbigay ng mga tulong. Balak ng pamahalaan na ilikas ang mga mamamayan nitong nawalan ng mga tirahan.[15] Ang Koror, Babeldaob at Kayangel ay nawalan ng suplay ng tubig at kuryente. Hindi gaano napinsala ang Koror dahil ang sentro ng bagyo ay dumaan sa hilaga nito,[14] subalit may pagbahang naganap sa mga daan doon. Sa dulong hilaga ng Babeldaob, napinsala ng bagyo ang mga gusali at mga paaralan[13]

Pilipinas[baguhin]

Nagdulot ng malawakang pagkawasak at pinsala sa mga pulo ng Leyte at Samar, kung saan labis na napinsala ang mga lungsod at mga bayan.[17] Hanggang noong 6:00 n.g. ng Nobyembre 14, tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may 2,357  na nasawi sa buong bansa, 2,161 dito ay mula sa Silangang Kabisayaan.[18] Nananatili pa ring hindi tiyak ang naiwang pinsala ng sakuna.

Sa Lungsod ng Surigao, 281.9 mm (11.10 in) ng ulan ang naitala, karamihan dito ay nadama sa loob ng 12 oras.[19]

Unang tumama ang Bagyong Yolanda sa pulo ng Guiuan, Silangang Samar dakong 4:45 n.u. na may taglay na hangin na 196 mph (315 km/h), na naging dahilan upang maging pinakamalakas na bagyo sa daigdig na tumama sa kalupaan.[1][2] Naitala din ng PAGASA na anim na ulit na tumama ang bagyo sa iba't ibang kalupaan sa Kabisayaan.[20] Tatlo na ang tiyak na nasawi ayon sa NDRRMC at pito pang iba ang sugatan. Naitala rin ang malalakas na alon sa maraming lugar. sa pulo ng Leyte at Samar, nasukat ng PAGASA ang alon na may taas na 5-6 na metro (15-19 talampakan).[21]

Magmula noong 10 Nobyembre 2013 (2013 -11-10), 151 na ang tiyak na nasawi ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).[22] Subalit may sumunod na ulat na may nagsabing isang opisyal sa Samar na nagkumpirma ng 300 nasawi mula sa bagyo sa lugar pa lamang na iyon.[23]

Isang animasyon mula sa satellite ng Bagyong Yolanda na tumama sa Pilipinas

Sa Tacloban, Leyte, nawasak ang gusali ng Paliparan ng Tacloban dahil sa paghampas ng malalaking alon mula sa dagat na may taas na aabot sa ikalawang palapag. Tinantiya ang pagragasa ng tubig dagat o storm surge na aabot sa 5.2 metro (17 talampakan) [24]. Sinabi ng tagapamahala ng paliparan ng Tacloban na si Efren Nagrama na tumaas ang tubig na aabot sa 5 na metro (13 talampakan) sa paliparan. [25] Nakagawa ang bagyo ng 15 metro ng mga alon (45 talampakan)[26]. Malawak ang pinsalang natamo mula sa storm surge, ang mga gusali ay nagiba, ang puno ay napatumba o naputol, at ang mga sasakyan ay nasalansan.[26] Pinakalabis na naapektuhan ang mga mabababang bahagi ng lungsod ng Tacloban, na halos mabura ang pamayanan sa mababang lugar sa tabing dagat. Umabot sa isang kilometro paloob ng silangang bahagi ng lalawigan ang pagbaha.[26] May mga inisyal na pagtaya ng 1,000 nasawi sa Tacloban sa lalawigan ng Leyte, at may dagdag na 200 pa sa lalawigan ng Samar.[27][26] [28] [29] Nasa 70 hanggang 80% ng lalawigan ng Leyte ang napinsala, at inaasahan ng gobernador ng lalawigan na nasa 10,000 katao ang nasawi.[30][31] Sa kanlurang bahagi ng Samar, hindi gaano kalakasan ang pagragasa ng storm surge.[32]

Tinawid ng bagyo ang Kabisayaan sa loob ng isang araw, na nagdulot ng malawakang pagbaha. Sa Cebu at Iloilo, na niyanig ng lindol dalawang linggo na ang nakalilipas, ay labis na napinsala.[33] Noong umaga ng ika-8 ng Nobyembre, nakapag-ulat pa ng live ang mga himpilan ng media sa kapuluan patungkol sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Naiulat ang malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente, pagguho ng lupa, at mabilisang pagbaha. Naharangan ang mga pangunahing daanan ng mga nagtumbahang mga puno. 453 mga byaheng lokal at internasyunal ng mga eroplano ang nakansela. Nagsara naman ang ilang mga paliparan noong ika-8 at ika-9 ng Nobyembre. Nagsimula ang pamimigay ng tulong noong ika-9, subalit nananatiling hindi maabot at walang komunikasyon sa ibang lugar dahil sa labis na pinsalang natamo mula sa bagyo.[34]

Kinahinatnan[baguhin]

Pilipinas[baguhin]

Ang paghahambing na animasyon mula sa satellite ng pagkawala ng kuryente sa Kabisayaan pagkatapos tumama ng Bagyong Yolanda.

Noong Nobyembre 11, isinailalim ang mga lalawigan ng Aklan, Capiz, Cebu, Iloilo, Leyte, Palawan, at Samar sa state of national calamity, upang pahintulutan ang pamahalaan na gamitin ang mga pondo sa pamamahagi ng tulog at pagpapanibagong buhay at upang mapigil ang paggalaw ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.[35] Dagdag dito, tinatayang ₱30.6 milyon (US$700,000) ang inilaan ng NDRRMC para sa pagtulong. May pinagsama-samang 18,177 katao, 844 sasakyan, 44 sasakayang pandagat, at 31 sasakyang panghimpapawid ang ipinakalat ng lokal at pambansang pamahalaan para sa iba't ibang mga operasyon.[16]

Malawakang pagkasira sa imprastraktura sa kabuuan ng rehiyon ang nagbigay sulirang lohistikal na labis na nagpabagal sa pabibigay ng tulong. Bagaman ang mga tulong ay inilipad patungo sa lokal na paliparan, nanatili itong nandoon sapagkat nanatiling sarado ang mga daan palabas..[36] Ayon sa pagtantiya noong Nobyembre 13, tinatayang 20 bahagdan lamang ng naapektuhan sa populasyon ng Lungsod ng Tacloban ang nakakakuha ng tulong. Dahil sa kawalan ng malinis na tubig, ang ilang residente ay hinukay ang tubo ng tubig at pinakuluan upang mabuhay. Libo-libong mga tao ang nais na umalis sa lungsod sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplanong C-130, subalit ang mabagal na proseso ang dumagdag sa kanilang paghihirap.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Mullen, Jethro (8 November 2013). "Super Typhoon Haiyan, one of strongest storms ever, hits central Philippines". CNN. http://www.cnn.com/2013/11/e07/world/asia/philippines-typhoon-haiyan/index.html. Nakuha noong 8 November 2013. 
  2. 2.0 2.1 Williams, Rob (8 November 2013). "Typhoon Haiyan: Most powerful storm to ever hit land batters Philippines with 200mph winds". The Independent. http://www.independent.co.uk/news/world/asia/typhoon-haiyan-most-powerful-storm-to-ever-hit-land-batters-philippines-with-200mph-winds-8926719.html. Nakuha noong 8 November 2013. 
  3. http://ndrrmc.gov.ph/attachments/article/1125/NDRRMC%20Update%20-%20Sitrep%20No%2025%20re%20Typhoon%20Yolanda.pdf
  4. Sunshine Lichauco de Leon and Calum MacLeod (November 11, 2013). "Horror stories as 10,000 feared dead in Typhoon Haiyan". USA Today. http://www.usatoday.com/story/news/world/2013/11/10/typhoon-haiyan-philippines-vietnam/3488431/. Nakuha noong November 11, 2013. 
  5. Ellalyn B. De Vera and Aaron B. Recuenco (November 6, 2013). "Super Typhoon ‘Yolanda’ may hit Visayas Friday". Manila Bulletin. http://www.mb.com.ph/super-typhoon-yolanda-may-hit-visayas-friday/. Nakuha noong November 7, 2013. 
  6. FR Jimenez (November 7, 2013). "PNoy, nagbabala sa seryosong peligrong dala ng 'super typhoon' na si 'Yolanda'". GMA News. http://www.gmanetwork.com/news/story/334469/ulatfilipino/balitangpinoy/pnoy-nagbabala-sa-seryosong-peligrong-dala-ng-super-typhoon-na-si-yolanda. Nakuha noong November 7, 2013. 
  7. Joey Gabieta, Jani Arnaiz, Nestor Burgos, Doris Bongcac, Carla Gomez, Carmel Loise Matus and Jhunnex Napallacan (November 7, 2013). "Evacuation centers, rescue plans set in Visayas for supertyphoon Yolanda". Inquirer. http://newsinfo.inquirer.net/521667/evacuation-centers-rescue-plans-set-in-visayas-for-supertyphoon-yolanda. Nakuha noong November 7, 2013. 
  8. Kristine Angeli Sabillo (November 7, 2013). "Aquino: PH ready to face supertyphoon ‘Yolanda’". Inquirer. http://newsinfo.inquirer.net/522661/aquino-ph-ready-to-face-supertyphoon-yolanda. Nakuha noong November 7, 2013. 
  9. ANC (November 7, 2013). "'Yolanda' accelerates, signal number 4 up over parts of E. Visayas". ANC and Yahoo. http://anc.yahoo.com/news/yolanda--enters-par-094049873.html. Nakuha noong November 7, 2013. 
  10. 10.0 10.1 "Typhoon Haiyan: UN Praises Viet Nam for High State of Preparedness - See more at: http://reliefweb.int/report/viet-nam/typhoon-haiyan-un-praises-viet-nam-high-state-preparedness#sthash.fdBlF96Z.dpuf". UN Country Team in Vietnam. ReliefWeb. November 12, 2013. http://reliefweb.int/report/viet-nam/typhoon-haiyan-un-praises-viet-nam-high-state-preparedness. Nakuha noong November 16, 2013. 
  11. 11.0 11.1 "Viet Nam: Typhoon Haiyan Information Bulletin n° 3" (PDF). International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies. ReliefWeb. November 12, 2013. http://reliefweb.int/sites/reliefweb.int/files/resources/IB3VNtyHaiyan121113.pdf. Nakuha noong November 16, 2013. 
  12. "Tropical Storm Haiyan makes landfall in Vietnam". BBC News. November 10, 2013. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-24890114. Nakuha noong November 10, 2013. 
  13. 13.0 13.1 Padron:Cite report
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang palau); $2
  15. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ABC1); $2
  16. 16.0 16.1 "SitRep No. 46 Effects of Typhoon "Yolanda" (Haiyan)" (PDF). National Disaster Risk Reduction and Management Council. November 22, 2013. http://ndrrmc.gov.ph/attachments/article/1125/UPD%20re%20SitRep%2046%20re%20Effects%20of%20TY%20YOLANDA%20%2828NOV2013%29.pdf. Nakuha noong November 22, 2013. 
  17. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang ChicagoTribuneNov13); $2
  18. "SitRep No. 18 Effects of Typhoon "Yolanda" (Haiyan)" (PDF). National Disaster Risk Reduction and Management Council. November 14, 2013. http://ndrrmc.gov.ph/attachments/article/1125/NDRRMC%20UP%20Sitrep%20No18%20re%20Effects%20TY%20YOLANDA%20111413.pdf. Nakuha noong November 14, 2013. 
  19. Eric Leister (November 9, 2013). "Official: Super Typhoon Death Toll Could Reach 1,200". AccuWeather. http://www.accuweather.com/en/weather-news/super-typhoon-haiyan-a-serious/19561621. Nakuha noong November 9, 2013. 
  20. Brian K. Sullivan, Cecilia Yap & Joel Guinto (November 8, 2013). "Super Typhoon Haiyan Slams Philippines With Category-5 Power". Bloomberg. http://www.bloomberg.com/news/2013-11-07/philippines-braces-for-haiyan-seen-as-2013-s-strongest-typhoon.html. Nakuha noong November 8, 2013. 
  21. Our Foreign Staff (November 8, 2013). "Super Typhoon Haiyan smashes in to Philippines". Telegraph. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/asia/philippines/10434846/Super-Typhoon-Haiyan-smashes-in-to-Philippines.html. Nakuha noong November 8, 2013. 
  22. "NDRRMC - 151 killed by 'Yolanda'" http://newsinfo.inquirer.net/524479/151-killed-by-yolanda-4-5m-people-affected-ndrrmc
  23. Yolanda kills 300, a Samar official confirmed http://newsinfo.inquirer.net/524543/yolanda-kills-300-in-samar-official
  24. "Super Typhoon Haiyan, one of the strongest storms ever seen, hit the Philippines with record force". http://qz.com/144734/super-typhoon-haiyan-one-of-the-strongest-storms-ever-seen-is-about-to-hit-the-philippines. 
  25. Reuters. ""Massive destruction" as Typhoon Haiyan kills at least 1,200 in Philippines, says Red Cross". Reuters. http://www.trust.org/item/20131109132543-2fgb9. 
  26. 26.0 26.1 26.2 26.3 "Typhoon Haiyan: Hundreds feared dead in Philippines". BBC News. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-24878801. Nakuha noong November 9, 2013. 
  27. Andrew Stevens and Tom Watkins. "Death toll likely exceeds 1,000 after typhoon slams Philippines". CNN. http://edition.cnn.com/2013/11/09/world/asia/philippines-typhoon-haiyan/. 
  28. November 9 death toll report by the Philippine Daily Inquirer http://newsinfo.inquirer.net/524159/1200-believed-dead-in-philippine-typhoon-red-cross
  29. "Typhoon Haiyan death toll in Philippines estimated at 1,200". TheGuardian. http://www.theguardian.com/world/2013/nov/09/typhoon-haiyan-death-philippines. 
  30. "Fears at least 10,000 dead in Philippines as Super Typhoon Haiyan approaches Vietnam". ABC news. http://www.abc.net.au/news/2013-11-10/super-typhoon-haiyan-approaches-vietnam/5081524. 
  31. "Typhoon Haiyan (Yolanda) Update: Death Toll Could Reach 10,000". Hurricane Central. http://www.weather.com/news/weather-hurricanes/super-typhoon-haiyan-latest-news-20131108. 
  32. "DOST - Project NOAH". http://noah.dost.gov.ph/#stormsurge. 
  33. Mark Tran (November 8, 2013). "Philippines rescue services brace for devastation of typhoon Haiyan". The Guardian. http://www.theguardian.com/global-development/2013/nov/08/philippines-rescue-services-typhoon-haiyan. Nakuha noong November 9, 2013. 
  34. Staffs (November 8, 2013). "Super typhoon Haiyan shuts airports, flights cancelled across Philippines". News Australia. http://www.news.com.au/national/super-typhoon-haiyan-shuts-airports-flights-cancelled-across-philippines/story-e6frfkp9-1226756128903. Nakuha noong Nobyembre 9, 2013. 
  35. "Proclamation No. 682, s. 2013". Official Gazette. November 11, 2013. http://www.gov.ph/2013/11/11/proclamation-no-682-s-2013/. Nakuha noong November 12, 2013. 
  36. Michael Pearson. Nick Paton Walsh and Anna Coren (November 13, 2013). "Typhoon Haiyan: Grief and hunger dominate amid survival struggle". CNN. http://www.cnn.com/2013/11/13/world/asia/typhoon-haiyan/. Nakuha noong November 13, 2013. 

Mga kawing panlabas[baguhin]


Maling banggit (Umiiral na ang tatak na <ref> para sa pangkat na pinangalanang "nb", subalit walang natagpuang katumbas na tatak na <references group="nb"/>); $2