Bahá'u'lláh
| Bahá'u'lláh | |
|---|---|
Litrato ni Bahá'u'lláh |
|
| Kapanganakan | Mírzá Ḥusayn-`Alí Núrí November 12, 1817 Tehran, Persia (present-day Iran) |
| Kamatayan | May 29, 1892 (aged 74) `Akka, Beirut Vilayet, Ottoman Empire (present day Israel) |
| Kilala dahil sa | Tagapagtatag ng Pananampalatayang Bahá'í |
| Kahalili | `Abdu'l-Bahá |
Si Bahá'u'lláh (ba-haa-ol-laa, Arabe: بهاء الله "Kaluwalhatian ng Diyos") (12 Nobyembre 1817 – 29 Mayo 1892), ipinanganak Mírzá Ḥusayn-`Alí Núrí (Persa: میرزا حسینعلی نوری) ang tagapagtatag ng Pananampalatayang Bahá'í. Sinasabi niya bilang tagapagtupad ng mga propesiya ng Bábism, isang 19 siglong sangnay ng Shí‘ism. Sinasabi niya rin na siya ang sugo ng Diyos at tumupad ng mga eskatolohikal na nais ng Islam, Kristiyanismo, at iba pang relihiyon.[1] Itinuro ni Bahá'u'lláh na ang sangkatauhan ay isang lahi at ang panahon ay dumating na para sa pagkakaisa nito sa lipunang pang-daigdig. Ang kanyang pag-aangkin ng pahayag ng Diyos ay nagresulta sa kanyang pag-uusig at pagkakabilanggo ng mga autoridad na Persiano at Ottoman at kanyang kalaunang 24 taong pagkakabilanggo sa siyudad na bilangguan ng `Akka, Palestina (kasalukuyang Israel) kung saan siya namatay. Sumulat siya ng maraming mga kasulatang relihiyoso na ang pinakakilala ang Kitáb-i-Aqdas at Kitáb-i-Íqán. May dalawang mga alam na litrato ni Bahá'u'lláh. Sa labas ng pilgrimahe, ninanais ng mga Bahá'í na huwag tingnan ang kanyang litrato sa publiko o kahit itanghal ito sa kanilang mga pribadong bahay.