Batas Tydings–McDuffie

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Batas Tydings-McDuffie)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong 24 Marso 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon.

Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan ng misyong pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na itatalaga sa Pilipinas;at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino sa U.S.A..

Tumungo si Manuel L. Quezon sa U.S.A. at nakipag-ugnayan kina Milliard Tydings at kinatawan John McDuffie,daan upang mabuo ang tinaguriang Tydings-McDuffie Act of 1934-kilala rin bilang Philippine Independence Law.Nilagdaan ni Pangulong Franklin Roosevelt

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 1932, tinamaan ng Dakilang Depresyon ang Estados Unidos na ikinapangamba naman ng mga magsasaka dahil sa posibilidad ng pag-aangkat ng pamahalaan ng mga bilihin gaya ng asukal at mantika mula sa Pilipinas (na noon ay di nakasailalim sa taripa ng Amerika). Nabatid ng pamahalaang Amerika na higit na makakabawi ang kanilang ekonomiya kung bibigyan na ng kalayaan ang Pilipinas, na hangad na rin ng Pangulong Manuel L. Quezon noong panahong iyon. Disyembre 1932 nang ipasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare–Hawes–Cutting, ngunit ipinagpaliban muna ito ni Pangulong Herbert Hoover. Noong 17 Enero 1933 nang tuluyan nang ipatupad ng Kongreso ang naturang batas.

Layunin at resulta[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinapangako ng batas na matatamo ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan makalipas ang sampung taon, samakatuwid, sa taong 1943. Ang kalayaang ito ay di lubusan, bagkos ay limitado. Mananatili pa rin na nasa ilalim ng impluwensiya, kung hindi man kapangyarihan, ng Amerika ang mga base militar at nabal ng bansa. Alinsunod dito, nagtakda ng taripa at kaukulang bilang ng mga produktong iniaangkat mula sa Pilipinas. Mistulang di makatarungan ang batas na ito kaya't napagpasiyahan ni Pangulong Quezon na ibasura ang nasabing batas. Sinang-ayunan naman ito ng Senado at sila'y nagbalangkas ng bagong batas na pinanigan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt. Ito ay kinilalang Batas Tydings–McDuffie ng 1934.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.