Pumunta sa nilalaman

Bukal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Batis (kalawakan ng tubig))
Sa karaniwang araw, may 1 milyong m³ ng tubig ang nilalabas mula sa Big Spring sa Missouri sa palitan na 12,000 L/s.

Ang batis o bukal[1] ay isang punto kung saan dumadaloy ang tubig mula sa akwipero (isang patong sa ilalim ng lupa na naglalaman ng tubig sa natatagusang bato) palabas tungo sa ibabaw ng lupa sa Daigdig. Bahagi ito ng hidrospera o kalawakan ng tubig.

Natutukoy ang pagdiskarga, o muling paglitaw, ng bukal sa pamamagitan ng muling pagkarga ng palanggana (recharge basin) ng bukal. Nakakaapekto din sa pagdiskarga ng bukal ang aktibidad ng tao—binabawasan ng pag-alis ng tubig-bukal ang presyon ng tubig sa isang akwipero, na binabawasan ang dami ng daloy.[2]

Kadalasang inuuri ang bukal sa pamamagitan ng bolyum o dami ng tubig na kanilang dinidiskarga. Tinatawag na "first magnitude" o "unang kalakhan" ang mga pinakamalaking mga bukal, na binibigyang kahulugan bilang mga bukal na nagdidiskarga ng tubig sa tulin na 2800 litro o 100 kubikong talampakan (2.8 m3) ng tubig bawat segundo. May ilang mga lokasyon ang naglalaman ng maraming mga bukal sa unang kalakhan, tulad sa mga bukal sa Estados Unidos partikular ang Florida kung saan mayroong hindi baba sa 27 kilalang bukal na ganoong kalaki; ang Missouri at Arkansas Ozarks na naglalaman ng 10[3][4] ay kilala sa unang kalakhan; at 11[5] pang nasa pook ng Thousand Springs sa tabi ng Ilog Snake sa Idaho. Ang sukatan para sa daloy ng bukal ay ang sumusunod:

Kalakhan Daloy (talampakan3/s, gal/min, pinta/min) Daloy (L/s)
Unang kalakhan > 100 talampakan3/s 2800 L/s
Ika-2 kalakhan 10 hanggang 100 talampakan3/s 280 hanggang 2800 L/s
Ika-3 kalakhan 1 hanggang 10 talampakan3/s 28 hanggang 280 L/s
Ika-4 na kalakhan 100 US gal/min hanggang 1 talampakan3/s (448 Estados Unidos na gal/min) 6.3 hanggang 28 L/s
Ika-5 kalakhan 10 hanggang 100 gal/min 0.63 hanggang 6.3 L/s
Ika-6 na kalakhan 1 hanggang 10 gal/min 63 hanggang 630 mL/s
Ika-7 kalakhan 2 pinta hanggang 1 gal/min 8 hanggang 63 mL/s
Ika-8 kalakhan Mas mababa sa 1 pinta/min 8 mL/s
0 kalakhan walang daloy (mga lugar ng nakaraan/pangkasaysayang daloy)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Bukal, spring". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "USGS Surface-Water Data for Missouri". waterdata.usgs.gov (sa wikang Ingles).
  3. Vineyard and Fender, 1982. p. 12 (sa Ingles)
  4. "USGS Surface-Water Data for Missouri". waterdata.usgs.gov (sa wikang Ingles).
  5. "THOUSAND SPRINGS RESEARCH PROJECT" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2012. Nakuha noong 10 Mayo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)