Baygon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Baygon ay isang tatak ng pamuksa ng salot o peste na produkto ng kumpanyang S. C. Johnson & Son. Isa itong pamatay ng kulisap na ginagamit sa eksterminasyon at pagkontrol ng maraming mga salot sa tahanan at napaka-epektibong panlaban sa mga kuliglig, ipis, langgam, gagamba, Lepisma saccharina, at iba pa. Noong 1975, ipinakilala ng Baygon ang unang pangwisik na pang-ibabaw mula sa Australya na para sa pagpatay ng mga ipis at ibang gumagapang na mga kulisap.

Noong 1975, ang Baygon ay ipinakilala ng Bayer, isang Alemang kumpanyang tagapagmanupaktura ng kimikal. Noong 2003, ipinagbili ng Bayer ang tatak nila sa S. C. Johnson & Son. Bilang bahagi ng kasunduan, ang mga aktibong sangkap na ginagamit sa mga pamatay ng salot ay gagawin pa rin ng Bayer at ipampupunong produkto na hindi lamang para sa S. C. Johnson & Son.[1][2]

Mga sangkap[baguhin]

Ang mga produkto ng Baygon ay naglalaman ng mga pyrethroid, cyfluthrin, at transfluthrin, at ng carbamate na propoxur at organoposporong chlorpyrifos, bilang masisiglang mga sangkap.[3][4] Nakakasanhi ang pyrethroid ng ilang iba't ibang uri ng mga epektong karamdaman kapag nalunon ang sapat na mga dami, kabilang ang mga panginginig, dispniya (kahirapan sa paghinga), at paralisis.[5]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Bayer AG, Financial Report 2003 (pdf, 2 MB)
  2. Bayer sells off Baygon. (The buzz: news, people & events for the informed PMP), Pest Control, Enero 1, 2003.
  3. Baygon agents, Baygon. Pinuntahan noong Disyembre 21, 2007.
  4. Talaan ng mga pamuksa ng salot sa FPA, Hunyo 30, 2002. Pinuntahan noong Disyembre 21, 2007.
  5. Pyrethroid, Manual of Pesticide Poisoning. Pinuntahan noong Disyembre 21, 2007.