Bethlehem

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Belen)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bethlehem
Other transcription(s)
 • Arabic بيت لحم
 • Also spelled Beit Lahm (official)
Bayt Lahm (unofficial)
A neighbourhood in Bethlehem
Opisyal na logo ng Bethlehem
Municipal Seal
Bethlehem is located in the Palestinian territories
Bethlehem
Location of Bethlehem within the Palestinian territories
Coordinates: 31°42′11″N 35°11′44″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 31°42′11″N 35°11′44″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Governorate Bethlehem
Pamahalaan
 • Uri City (from 1995)
 • Head of Municipality Vera Baboun[1]
Populasyon (2007)
 • Jurisdiction 25,266
Name meaning house of meat (Arabic); house of bread (Hebrew & Aramaic)
Website www.bethlehem-city.org

Ang Betlehem o Belen (Arabo: بيت لحم, Bayt Lam, “bahay ng karne”; Ebreo: בית לחם, Beyt Leem, “bahay ng tinapay”) ay isang lungsod sa Kanlurang Pampang. May kahalagahan ang lungsod na ito sa relihyong Kristyanismo dahil ayon sa Bibliya ay ito ang lugar na kinapanganakan ni Hesus ng Naẕrat noong unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Dito rin naninirahan ang isa sa mga pinakamalalaking komunidad ng mga Kristyanong Palestinong natitira pa sa Gitnang-Silangan. Tinatawag na Belenita ang isang taong taga-Belen o nagmula sa Betlehem.[2]

Kasaysayan[baguhin]

Panahong Cananeo[baguhin]

Ang Bethelehem ay unang binanggit sa mga Liham ng Amarna noong ca. 1400 BCE bilang "Bit-Lahmu" sa Canaan. Nagsumamo ang Hari ng Herusalem sa kanyang panginoon na Faraon ng Ehipto na muling kunin ang Bit-Lahmu mula sa panggugulo ng mga Apiru. Si Lahmu o Lachama ang Diyos na Akkadiano ng pertilidad at sinamba noong ika-3 milenyo BCE na pinagtayuan nila ng templo sa bundok na kilala ngayon bilang Bundok ng Natibidad. Ang bayan ay kilala bilang Beit Lachama o "Bahay ni Lachama". Ang pagbigkas ay pareho sa loob ng 3,500 taon ngunit pinakahulugan ng iba iba sa paglipas ng panahon. Sa Cananeo ay orihinal na nangahulugang "Bahay o Templo ni Lahmu", sa Hebreo at Aramaiko ay naging "Bahay ng Tinapay", sa Arabiko ay naging "Bahay ng Karne".

Panahon ng Israel[baguhin]

Naniniwala ang ilang mga skolar na ang Bethlehem ay pareho sa Epratha sa Bibliya na nangangahulugan fertile o palaanak.

Panahon ni Hesus[baguhin]

Ang Bethlehem ang lugar na pinagpanganakan kay Hesus ayon sa Mateo 2:1. Ayon din sa Mateo 2:16, ipinapatay ni Dakilang Herodes(na namatay noong 4 BCE) ang mga sanggol at batang dalawang taon pababa sa Bethlehem at mga kalapit na lugar dahil nalaman ni Herodes na inangkin ng mga Mago na ipapanganak ang "hari ng mga Hudyo" sa Bethlehem. Ang karamihan ng mga modernong biograpo ni Herodes ay buong hindi naniniwala sa salaysay ng masaker ni Herodes ng mga sanggol sa Mateo. [3]

Salungat sa Mateo 2, isinaad sa Lucas 2 na si Hesus ay ipinanganak sa Bethlehem noong panahon ng censo ni Quirinius na ayon kay Josephus ay nangyari noong 6-7 CE/AD.[4]

Ang mga paghuhukay sa Bethlehem ay nagpakitang ang Bethlehem sa Judaea ay hindi umiiral bilang isang gumaganang bayan sa pagitan ng 7 at 4 BCE na panahong pinaniniwalang ipinanganak si Hesus. May mga materyal na nahukay mula 1200 hanggang 550 BCE sa Bethlehem gayundin mula ika-6 siglo CE ngunit walang materyal na nahukay sa Bethlehem noong unang siglo BCE o unang siglo CE/AD.[5]

Sanggunian[baguhin]

  1. Newspapers Review: Youth Protests Dominate Daily’s Front Page. Wafa. 2012-11-14.
  2. Abriol, Jose C.. (2000). "Belenita". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 412.
  3. "most recent biographies of Herod the Great deny it entirely." Paul L. Maier, "Herod and the Infants of Bethlehem", in Chronos, Kairos, Christos II, Mercer University Press (1998), p.170
  4. http://www.infidels.org/library/modern/richard_carrier/quirinius.html
  5. http://ngm.nationalgeographic.com/geopedia/Bethlehem

Mga kawing panlabas[baguhin]


HeograpiyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.