Belhika

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Belgium)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kaharian ng Belhika
Koninkrijk België
Royaume de Belgique
Königreich Belgien
Kingdom of Belgium
Pambansang Kasabihan: Olandes: Eendracht maakt macht;
Pranses: L'union fait la force;
Aleman: Einigkeit macht stark
Ingles: "Strength lies in unity"
Tagalog: "Nasa pagkakaisa ang lakas"
Pambansang Awit: "La Brabançonne" (Ang Awit ng Brabant)
Kabisera Lungsod ng Brussels
50°54′N 4°32′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Pinakamalaking lungsod Brussels
Opisyal na wika Olandes, Pranses, Aleman
Pamahalaan Federal constitutional monarchy at bicameral parliamentary democracy
 -  Hari Philippe
 -  Punong Ministro Elio Di Rupo
Kalayaan
 -  Belgian Revolution 1830 
Lawak
 -  Kabuuan 30,528 km2 (ika-148)
11,787 sq mi 
 -  Katubigan (%) 6.4
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2005 10,419,000 (ika-77)
 -  Senso ng 2001 10,296,350 
 -  Kakapalan 342/km2 (ika-17)
886/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2004
 -  Kabuuan $316.2 bilyon (ika-30)
 -  Bawat kapita $29,707 (ika-12)
TKT (2003) 0.945 (high) (ika-9)
Pananalapi Euro (EUR)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Internet TLD .be
Kodigong pantawag 32

Ang Kaharian ng Belhika (o Belhika; Ingles: Kingdom of Belgium; Olandes: Koninkrijk België; Pranses: Royaume de Belgique; Aleman: Königreich Belgien) ay isang estadong Pederal na nasa patuloy na proseso ng debolusyon. Isa itong bansang nakasulong sa Hilagang-Kanlurang Europa na napapaligiran ng Olanda, Alemanya, Luksemburgo, Pransiya, at ang Hilagang Dagat. Mayroon higit sa sampung milyong katao ang Belhika sa may tatlumpung libong kilometro kudwadrong lupain, na naging ika-17 pinakamakapal na populasyong bansa sa buong daigdig. Nasa ikasiyam naman ito sa 2005 na Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Mga Nagkakaisang Bansa.

Batay sa kasaysayan, kabilang sa mga Mabababang Lupain (o Low Countries sa Ingles) ang kaharian bukod sa karamihang bahagi ng Olanda at Luksemburgo. Ang sakop ng rehiyong ito ay mas malaki pa sa saklaw ng kasalukuyang lipon ng mga bansang Benelux na dating kilala sa Latinong katawagang Belgica na siyang hango sa Gallia Belgica na isang Romanong lalawigang sakop mahigit-kumulang ang sukat ng sinabing bahagi ng Europa. Mula sa katapusan ng Gitnang Panahon hanggang sa ika-17 siglo, ang rehiyon ay naging maunlad na lunduyan ng kalakalan at kultura. Mula sa ika-16 na siglo hanggang sa Himagsikang Belhikano ng 1830 nang humiwalay ang Belhika sa Olanda, maraming naganap na labanan sa pagitan ng maraming puwersang Europeo sa kinalalagyan ng Belhika na siyang tinaguriang "Battlefield of Europe" sa Ingles.

Nang makamit nito ang kalayaan, naging bahagi ng Rebolusyong Industriyal ang Belhika at sa buong ika-20 siglo ay nakapagmay-ari ng ilang kolonya sa Afrika. Ang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo ang pagsilakbo ng agwatan sa pagitan ng mga Flamenco at mga Francophone (mga Valon) na pinasidhi ng pagkakaiba sa wika at di-pantay na pag-unlad ng ekonomiya ng Plandes at Valonia. Nagpatuloy ito sa mas lumubhang mga alitan na nagbigay-daan sa malawakang reporma sa pamahalaan ng Belhika na mula sa pinag-isang estado (unitary state) ay siyang ginawang pederal. Maliban pa dito, kabikabilang krisis pampolitika ang pinagdaanan ng bansa tulad ng nangyari mula 2007 hanggang 2011 na pinakamahaba sa kasaysayan.

Sa ngayon, ang Belhika ay nahahati sa dalawang rehiyon at dahil dito, dalawang wika. Ang mga nag-oOlandes, o mga Flamenco (Flemish sa Ingles), ay nakatira sa Plandes (Flanders). Samantala, ang mga nagpaPranses, tinaguriang mga Valon (Walloon), ay nasa Valonia (Wallonia).

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ay ang Brussels.

Mga sanggunian[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.