Benigno Aquino III

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Benigno S. Aquino III
Benigno Aquino III

Ika-15 Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2010
Pangalawang Pangulo Jejomar Binay
Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo

Panunungkulan
30 Hunyo 2007 – 30 Hunyo 2010

Panunungkulan
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Sinundan si Jose Yap
Sinundan ni Jose Yap

Panunungkulan
30 Hunyo 2010 – 9 Hulyo 2010
Sinundan si Ronaldo Puno
Sinundan ni Jesse Robredo

Kapanganakan 8 Pebrero 1960 (1960-02-08) (54 taong gulang)
Maynila, Pilipinas
Kabansaan Pilipino
Partidong politikal Partido Liberal (1998 hanggang kasalukuyan)
Kamag-anak Benigno Aquino, Jr. (Ama)
Corazon Aquino (Ina)
Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate)
Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate)
Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid)
Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid)
Alma mater Pamantasang Ateneo de Manila
Hanapbuhay Ekonomista, Politiko
Propesyon Ekonomista, Serbisyo sibil
Relihiyon Katoliko Romano
Websayt www.noynoy.ph/

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong 8 Pebrero 1960) higit na kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 2010 hanggang kasulukuyan).

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kanyang Batsilyer sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at sumama sa kanyang pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang sa kanyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong sektor. Noong 1998, nahalal siya bilang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac.

Siya ang ika-apat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kanyang lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bilang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang kanyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bilang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng Partido Liberal ng Pilipinas.[1]

Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dating kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2] at Liz Uy.[5][7]

Kongreso[baguhin]

Kinatawan[baguhin]

Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998 bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.

Senador[baguhin]

Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na pinakamataas na nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng senado.

Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010)[baguhin]

Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilang Pangulong-halal ng Pilipinas ni Senador Juan Ponce Enrile at Kongresista Prospero Nograles sa Batasang Pambansa, Lungsod Quezon noong 9 Hunyo 2010.

Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabilang ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo. Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bilang kandidato ng partido Liberal para sa pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bilang kandidato ng pagkapangulo ng partido at inihayag ang kanyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.

Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagka-pangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong 9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas kasama si Jejomar Binay bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[8]

Ekonomiya[baguhin]

Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.8 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas rin ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korupsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong 2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950.[9] Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao) noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento (12.1 milyong katao) noong Disyembre 2013.

Personal na buhay[baguhin]

Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dating kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2], Grace Lee at Liz Uy.[5][7]

Mahilig si Aquino sa pamamaril (shooting) at bilyar,[10][11] subalit sa kasalukuyan, ang paglalaro ng mga video game ang kanyang nagiging libangan dahil hindi na niya magawa ang dati niyang mga libangan.[12] Mahilig siya sa kasaysayan,[10][11] at mahilig makinig ng mga musika.[11][12] Hindi umiinom ng mga alak si Aquino,[13] subalit siya ay naninigarilyo, at umaming nakauubos siya ng hanggang sa tatlong pakete ng sigarilyo sa isang araw.[14] Noong kampanya para sa pagkapangulo, ipinangako niya na ititigil niya ang paninigarilyo kapag siya ay nanalo sa halalan.[15] Subalit, napagpasiyahan niyang hindi niya ititigil ang paninigarilyo, at sinabing maninigarilyo lang siya sa "tamang" panahon.[16][17]

Sanggunian[baguhin]

  1. 'Noynoy' poised to run for president. ABS-CBN News. Retrieved on 2012-01-23.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Christine Avendaño (2009-08-13). "Sorry, Josh, Tito Noy has a girlfriend". Philippine Daily Inquirer. http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090813-220050/Sorry-Josh-Tito-Noy-has-a-girlfriend. 
  3. 3.0 3.1 Noynoy’s girlfriend to stand by her man. The Manila Bulletin Newspaper Online (2009-09-02). Retrieved on 2012-01-23.
  4. 4.0 4.1 Noynoy's ‘girlfriend’ being groomed for Congress | GMA News Online. Gmanetwork.com (2009-08-12). Retrieved on 2012-01-23.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Yes, Aquino dating his stylist, Liz Uy". INQUIRER.net. 2010-11-13. http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101113-302969/Yes-Aquino-dating-his-stylist-Liz-Uy. 
  6. 6.0 6.1 Korina Sanchez on her past with Noynoy Aquino: ‘That was a lifetime ago!’ The Manila Bulletin Newspaper Online (2009-10-23). Retrieved on 2012-01-23.
  7. 7.0 7.1 Aquino admits dating Liz Uy. ABS-CBN News (2010-11-12)
  8. "Final tally: Binay leads Roxas by 700,000 votes". ABS-CBN News Online Beta. http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/08/10/final-tally-binay-leads-roxas-700000-votes. 
  9. http://www.bloomberg.com/news/2014-01-30/philippine-gdp-growth-slowed-last-quarter-on-impact-of-typhoon.html
  10. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang senate.gov.ph); $2
  11. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang r12); $2
  12. 12.0 12.1 A day in the life... of Noynoy Aquino – The Philippine Star » News » Headlines. Philstar.com (2010-02-21). Retrieved on 2012-01-23.
  13. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang triviaonaquinoandbinay); $2
  14. Palace won't stop Noynoy from smoking. Sun.Star (2010-05-25). Retrieved on 2012-01-23.
  15. Aquino promises to quit smoking if he wins. Manila Standard Today (2010-02-20). Retrieved on 2012-01-23.
  16. Noynoy says he will smoke even on no-tobacco day | GMA News Online. Gmanetwork.com (2010-05-31). Retrieved on 2012-01-23.
  17. Noynoy won't quit smoking – The Philippine Star » News » News Feature. Philstar.com (2010-05-25). Retrieved on 2012-01-23.


Mga kanunu-nunuan[baguhin]