Pader ng Berlin

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Berlin Wall)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pader ng Berlin

Kuha mula sa bahagi ng Kanlurang Berlin noong 1986, kung saan makikita ang sining ng grafitti. Ang malupit na "Kahabaan ng Kamatayan" sa silangang bahagi ng pader ay bumabagtas sa kurba ng Agusan ng Luisenstadt na matagal nang isinara.

Lokasyon ng Pader ng Berlin na nagpapakita ng mga checkpoint
Mga koordinado 52°30′58″N 13°22′37″E / 52.516111°N 13.376944°E / 52.516111; 13.376944Mga coordinate: 52°30′58″N 13°22′37″E / 52.516111°N 13.376944°E / 52.516111; 13.376944
Gusali
Uri Harang Panghiwalay
Country Watawat ng East Germany Silangang Alemanya,
Watawat ng West Germany Kanlurang Alemanya
Konstruksyon
Sinimulan Agosto 13, 1961
Sukat 155 km (96 mi)
Iba pang mga dimensiyon
  • Haba ng Hangganan sa palibot ng Kanlurang Berlin: 155 km (96 mi)
  • Haba ng Hangganan mula Kanluran at Silangang Berlin: 43.1 km (26.8 mi)
  • Haba ng Hanggana mula Kanlurang Berlin at Silangang Alemanya 111.9 km (69.5 mi)
  • Haba ng Hangganan sa pagitan ng sonang pantirahan sa Berlin: 37 km (23 mi)
  • Taas ng kongkretong bahagi ng pader: 3.6 m (12 ft)
  • Haba ng kongkretong bahagi ng pader: 106 km (66 mi)
  • Pambabakod ng Wire mesh: 66.5 km (41.3 mi)
  • Haba ng trinserang kontra-sasakyan: 105.5 km (65.6 mi)
  • Haba ng bakod panghudyat: 127.5 km (79.2 mi)
  • Lapad ng Column track: 7 m (7.7 yd)
  • Haba ng Column track: 124.3 km (77.2 mi)
  • Bilang ng toreng pambantay: 302
  • Bilang ng mga bunker: 20

Ang Pader ng Berlin (Aleman: Berliner Mauer, Ingles: Berlin Wall) ay isang harang na itinayo ng Republikang Demokratiko ng Alemanya (GDR, Silangang Alemanya) simula noong Agosto 13, 1961, na siyang tuluyang naghiwalay sa Kanlurang Berlin mula sa pumapalibot ditong Silangang Alemanya at sa Silangang Berlin[1] Binubuo ng mga bantay na tore na nakalagay sa kahabaan ng kongkretong pader[2] na siyang pumalibot sa isang malapad na sakop (na nakilala bilang "Kahabaan ng Kamatayan" o Death Strip) na nilagyan ng trinserang kontra-sasakyan, mga pako at iba pang depensa. Ipinagtanggol ng Eastern Bloc na itinayo ang pader para maprotektahan ang populasyon mula sa mga elementong pasista na nagnanais pumigil sa "kagustuhan ng masa" sa pagbuo ng estadong sosyalista sa Silangang Alemanya. Nagsilbing hadlang ang Pader sa pagpigil sa malawakang paglisan na naging tanda sa Alemanya at sa buong Eastern Bloc matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Opisyal na binanggit ang Pader ng Berlin bilang "Kutang Pangdepensa Kontra Pasismo" (Aleman: Antifaschistischer Schutzwall) ng otoridad ng GDR, at ipinahiwatig din nila na hindi pa tuluyang naaalis ang Nazizmo sa katabing Kanlurang Alemanya. [3] Binanggit din ng gobyerno ng Kanlurang Berlin ang nasabing pader bilang "Pader ng Kahihiyan" na siyang binuo ni alkalde Willy Brandt habang kinukundena ang pagpipigil ng pader sa "kalayaan sa paglalakbay". Kasabay ng isa pang mas mahabang pader, ang Panloob na Harang ng Alemanya (Inner German Border, IGB) na siyang naghihiwalay sa Silangan at Kanlurang Alemanya, sinisimbulo ng magkaparehong pader ang "Bakal na Tabing" na naghihiwalay din sa Kanlurang Europa at sa Eastern Bloc noong Digmaang Malamig.

Bago ang pagtayo ng Pader, nakaiwas na ang 3.5 milyong taga Silangang Alemanya mula sa paghihigpit sa emigrasyon at tuluyang nakalikas mula sa GDR, sa pamamgitan ng pagtawid sa hangganan ng Silangang Berlin patungong Kanlurang Berlin, kung saan maaari na silang maglakbay patungong Kanlurang Aleman at sa iba pang bansa sa Kanlurang Europa. Sa pagitan ng 1961 hanggang 1989, napigilan ng nasabing pader ang halos lahat ng uri ng emigrasyon.[4] Sa loob ng mga taong iyon, humigit kumulang sa 5,000 katao ang nagtangkang tumakas sa pader, at tinatayang 100 hanggang 200 sa kanila ang napatay.

Noong 1989, sunud-sunod ang naganap na mabilisang pagbabago sa pulitika sa Eastern Bloc, na inilunsad ng pagbibigay-laya ng mga bansang awtoritaryan at sa paglusaw ng kapangyarihang pulitikal sa mga maka-Sobyet na pamahalaan sa karatig na Polonya at Unggarya. Matapos ang ilang linggo ng kaguluhang sibil, ipinahayag ng pamahalaan ng Silangang Alemanya noong Nobyembre 9, 1989 na ang lahat ng mga sibilyan ng GDR ay maaari nang bumisita sa Kanlurang Alemanya at Kanlurang Berlin. Dumagsa ang mga taga-Silangang Alemanya sa pader at inakyat ito, at masaya silang sinalubong ng mga taga-Kanlurang Alemanya sa kabilang panig. Sa mga sumunod na mga linggo ay pinag-uuka ng mga publiko at ng mga kolektor ng souvenir ang mga bahagi ng pader, at kinalaunan gumamit na ang pamahalaan ng mga kagabitang industriyal upang maialis na ng tuluyan ang karamihang bahagi ng pader. Ang pagbagsak ng Pader ng Berlin ang nagbigay-daan sa Pagsasanib Muli ng Alemanya, na pormal nang nakumpleto noong Oktubre 3, 1990.


Mga nilalaman

Panimulang Kasaysayan [baguhin]

Alemanya Matapos Ang Digmaan [baguhin]

Nahati sa apat na sona ng pagsakop ang Alemanya tulad ng napagkasunduan sa Kasunduan sa Potsdam, kung saan ang bawat isa sa kanila ay pinapamahalaan ng isang mananakop na bansang Allied: ang Estados Unidos, Gran Britanya, Pransya at ang Unyong Sobyet. Bagaman ang buong lungsod ng Berlin ay nasa bahagi ng Sobyet, nahati din sa apat na sona ng pagsakop ang kabisera na siya ding lokasyon ng Allied Control Council.[5]

Sa loob ng dalawang taon nabalot sa hidwaang pampulitikal ang Sobyet at iba pang mga mananakop. Kasama dito ang pagtutol ng Sobyet sa plano ng rekonstruksyon upang masustentuhan ng Alemanya ang kaniyang sarili at maitala din ang mga pabrika at imprastraktura na tinanggal ng mga Sobyet.[6] Nagpulong ang Britanya, Pransya, ang Estados Unidos at ang mga bansang Benelux para ipagsanib ang mga bahaging hindi sakop ng mga Sobyet bilang iisang sona para sa rekonstruksyon at para din maaprubahan ang pagpapalawig ng Planong Marshall.

Ang Eastern Bloc at ang Berlin Airlift [baguhin]

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binuo ng lider ng Sobyet na si Joseph Stalin ang isang samahan ng mga bansa sa kanluran ng Rusya na kung tawagin ay Eastern Bloc. Kasama dito ang mga bansang Polonya, Unggarya at Czechoslovakia. Simula pa lang noong 1945 nais na ni Stalin na makasapi rin ang buong Alemanya sa bloc bilang isang pinagsanib na komunismong bansa.[7] Umaasa siya na sa susunod na mga taon hihina ang posisyon ng Britanya sa kanilang nasasakupang bahagi at tatalikod na rin ang Estados Unidos, kaya wala nang magiging hadlang sa kaniya sa kaniyang kagustuhan.[8]

Ang isa sa pinakamabigat na tungkulin ng Komunistang pamunuan sa bahaging Sobyet ay ang pagsasalin ng utos ng mga Sobyet sa pamahalaan at sa iba pang mga partido sa bloc, at naging isa itong panloob na patakaran.[9] Pinasakamay ng gobyerno sa Silangang Alemanya ang lahat ng mga ari-arian at mga industriya sa kanilang nasasakupan. [10] Ang sinuman na tumutol o sumalungat sa kagustuhan ng mga Sobyet ay sinesermonan, o kung sila man ay wala sa pamahalaan sila ay maaaring parusahan, tulad ng pagpapakulong, pagpapahirap o pagpapatayin. Salungat ito sa pulitikal na proseso na ipinatupad sa kanlurang bahagi ng Alemanya na sinasakupan ng Britanya, Pransya at Estados Unidos, kung saan mga ministro-pangulo ay pinipili ng mga kabahagi sa parlamento na malayang binoboto ng sambayanan.

Sapilitang itinuro ang doktrinang Marxismo-Leninismo bilang bahagi ng kurikulum sa paaralan. Dahil dito maraming mga propesor at estudyante ang lumikas sa Kanluran. Bumuo din ng malawakang sistemang kapulisan ang Silangang Alemanya para mabusising masiyasat ang buong populasyon, tulad ng pagbuo ng lihim na kapulisang Sobyet, ang SMERSH.[11] [10]

Noong 1948 nagkaroon ng malaking hidwaan ukol sa rekonstruksyon at sa pagbuo ng bagong pananalaping Aleman. Dahil dito inutos ni Stalin ang Berlin Blockade (Pagbangkulong sa Berlin) upang hindi makapasok ang mga pagkain at iba pang pangangailangan sa Kanlurang Berlin.[12] Tinugon ito ng Estados Unidos, Britanya, Pransya, Kanada, Australya, New Zeland at iba pang mga bansa sa pamamagitan ng "Berlin Airlift" upang maihatid ang pangangailangan ng lungsod.[13] Naglunsad ng malawakang kumpanyang pakikisalamuhang pampubliko ang Sobyet para labanan ang pagbabago sa patakaran ng kanluran. Tinangka ng mga komunista na ipatigil ang halalan noong 1948 matapos ang malaking pagkatalo, [14] habang nagkaroon ng malawakang protesta ang mga 300,000 taga-Berlin upang ipagpatuloy ang airlift. [15] Noong Mayo 1949, pinatigil na rin ni Stalin ang blockade, at pinahintulutan na rin na makarating ang mga kargamentong Kanluranin sa Berlin.[16][17]

Idineklara ang pagbuo ng Republikang Demokratiko ng Alemanya (GDR, Silangang Alemanya) noong Oktubre 7, 1949. Sa pamamagitan ng lihim na kasunduan, pinagkasunduan ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Sobyet ang pagkakaroon ng pamahalaang administratibo sa Silangang Alemanya, ngunit hindi ang pagkakaroon ng autonomiya. Sinakop at pinakialaman ng histo ng mga Sobyet ang sistemang administratibo, miltar at lihim na kapulisan ng Silangang Alemanya at may buo silang kontrol.[18]

Maraming pagkakaiba ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya (Republikang Pederal ng Alemanya). Na-debelop ang Kanlurang Alemanya bilang isang Kanluraning kapitalistang bansa na may ekonomiyang pangmerkadong panlipunan (social market economy, Aleman: Soziale Marktwirtschaft) at may pamahalaang demokratikong parlamentaryo. Dahil sa patuloy na paglagong pang-ekonomiya noong 1950s nagkaroon ng "milagrong pang-ekonomiya" (Aleman: Wirtschaftswunder) na tumagal ng 20 taon. Habang patuloy ang pag-angat ng ekonomiya at ng pamantayan ng pamumuhay sa Kanlurang Alemanya, marami sa mga taga-Silangang Alemanya ang gustong lumipat sa Kanlurang Alemanya.

Talasanggunian [baguhin]

  1. (1961). Video: Berlin, 1961/08/31 (1961). Universal Newsreel. Retrieved on February 20, 2012.
  2. Jack Marck "Over the Wall: A Once-in-a-Lifetime Experience" American Heritage, October 2006.
  3. [1][patay na ugnay]
  4. Monday, 20 November 1989 (20 November 1989). "Freedom! – TIME". TIME<!. http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,959058,00.html. Nakuha noong 9 November 2009. 
  5. Miller 2000, pp. 4–5
  6. Miller 2000, p. 16
  7. Miller 2000, p. 10
  8. Miller 2000, p. 13
  9. Wettig 2008, p. 95-5
  10. 10.0 10.1 Wettig 2008, p. 96
  11. Turner 1987, p. 47
  12. Gaddis 2005, p. 33
  13. Miller 2000, pp. 65–70
  14. Turner 1987, p. 29
  15. Fritsch-Bournazel, Renata, Confronting the German Question: Germans on the East-West Divide, Berg Publishers, 1990, ISBN 0-85496-684-6, page 143
  16. Gaddis 2005, p. 34
  17. Miller 2000, pp. 180–81
  18. Wettig 2008, p. 179

Tingnan din [baguhin]