Bibing Peking

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Tungkol ito sa isang pagkain. Para sa uri ng bibi, pumunta sa Bibing Pekin.
Nakahaing bibing Peking.

Ang bibing Peking o patong Peking ay isang tanyag na lutuing may bibi mula sa Beijing na inihahanda o inihahain magmula pa noong panahon ng imperyo, at itinuturing na sa ngayon bilang isa sa pambansang pagkain ng Tsina.

Pinahahalagahan ang lutuing ito dahil sa manipis at malutong na balat, na may tunay na mga bersiyon ng lutuing isinisilbing karamihang balat at may kaunting laman o karne, at hinihiwa ng kusinero sa harapan ng mga kumakain. Ang mga bibing sadyang inaalagaan para sa lutuing ito ay kinakatay pagkaraan ng 65 mga araw at tinitimplahan bago litsunin o hurnuhin sa loob ng isang sarado o kulong na hurnuhan. Kalimitang kinakain ang karne nito na may kasamang manipis na kakanin o pancake sa Ingles, sibuyas ng tagsibol (mura o batang maliit na sibuyas), at sarsang hoisin o sarsa ng matamis na munggo. Dalawa sa pinaka natatanging mga restaurante sa Beijing na naghahain ng ganitong masarap na pagkain ang Quanjude at Bianyifang, dalawang kainang tumagal na ng dalawang mga daang taon at naging kilalang pangalan sa mga tahanan. Isang baryasyon ng lutuing ito ang kilala bilang malutong na mabango o aromatikong bibi, na nilikha ng pamayanang Intsik sa Nagkakaisang Kaharian.



PagkainTsinaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain, Tsina at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.