Bihud

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang bihud ng isdang salmon mula sa Hapon.
Sari-saring mga uri ng kabyar.

Ang bihud[1] (Ingles: roe, fish eggs, hard roe) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop-dagat tulad ng mga salungo , hipon, at tipay. Ito rin ang tawag sa obaryo ng isda, alimango, sugpo, o ulang na puno ng itlog.[2] Bilang pagkaing-dagat, ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang kasangkapan. Ginagamit din itong hilaw. Kabyar (Ingles: caviar) ang termino para sa bihud na tinimplahan, inasna, o pinasarap na mga itlog ng isda,[2] na kinakain bilang delikasiya. Ang malambot na bihud (soft roe), na tinatawag ding puting bihud (white roe), ang pluwidong seminal ng isdang lalaki.

Tumutukoy din ang salitang aligi o alige sa itlog o obaryo ng mga alimasag, alimango, hipon at alupihang dagat, o panloob na bahagi ng katawan ng mga hayop-tubig na ito, ngunit mas partikular na sa mga taba ng mga ito.[3][4]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Bihud, Fish eggs, Roe, MarketManila.com
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L.. "Roe; caviar, kabyar". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  4. Blake, Matthew. (2008). "Aligi, alige". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa aligi, fat of shrimps and crabs, Bansa.org


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.