Brandon Rush

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Brandon L. Rush
College Kansas
Conference Big 12
Sport Basketball
Position Guard
Class Junior
Career 2005 – present
Height ft 6 da (1.98 m)
Weight 210 lb (95 kg)
Nationality USA
Born 7 Hulyo 1985 (1985-07-07) (edad 29)
Kansas City, Missouri
High school Mt. Zion Christian Academy

Brandon Rush (ipinanganak noong 7 Hulyo 1985), ay isang college basketball player mula sa Kansas City, Missouri. sa kasalukuyan, siya ay isang sophomore sa University of Kansas

Playing career[baguhin]

Naglaro si Rush ng basketball sa Wesport High School sa Missouri at Mt. Zion Christian Academy sa Durham, North Carolina, noong siya ay nasa sekondarya pa. Matapos umatras sa 2005 NBA Draft, siya ay nag-commit kay c oach Bill Self na maglalaro siya ng basketball sa University of Kansas. Siya ang pangunahing small forward sa lahat ng laro sa nasabing season. Pinangunahan ni Rush ang Kansas Jayhawks sa scoring (13.5 puntos kada laro), rebounding (5.9), at 3-point shooting percentage (47.2%). Malaki ang ginampanang papel ni RUsh sa pagkapanalo ng Jayhawks sa Big 12 Conference championship at napili din siya bilang conference Freshman Player of the Year. Si Rush din ang kauna-unahang freshman na napangalanan bilang miyembro ng First Team All-Big 12 (Nagawa rin ito ni Kevin Durant sa sumunod na raon para sa Texas Longhorns). Si Brandon Rush ang nakababatng kapatid ng dating manlalaro sa NBA na si Kareem Rush at dating manlalaro ng UCLA Bruins na si JaRon Rush.

Si Rush ay napili din bilang preseason Co-Player of the Year sa Big 12, kasama ng kakampi sa kuponan na si Julian Wright. Napili din siya bilang isa sa preseason All-American. Noong 2007, siya rin ay napabilang sa All-TOurnament Team para sa Big 12 Tournament. Noong ika=26 ng Abril, 2007, nagpahayag si Rush na nais niyang pumasok sa 2007 NBA Draft, subalit hindi siya pumirma sa isang agent. Noong 25 Mayo 2007, nag-desisyon si Rush na bumaliksa University of Kansas para sa kanyang ikatlong season.

Injury[baguhin]

Matapos bumalik sa Kansas noong Mayo, 2007, nahayag na napunit ni Rush ang kanyang anterior cruciate ligament sa kanyang kanang tuhod matapos ang isnag pickup game ng basketball. Plinano ni Rush na manatili sa 2007 NBA Draft kung hindi siya na-injure. Marami ang umaasa na maari na siyang makapaglaro pagdating ng Disyembre, 2007. Noon ika-1 ng Hunyom 2007, matagumpay na naoperahan ang kanyang napunit na ACL. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisimula na ng kanyang rehabilitation at papunta na sa paggaling.[1]

References[baguhin]

External links[baguhin]