Bugaw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Bugaw (paglilinaw).
Huwag itong ikalito sa kulay na bughaw.
"Ang Puting Alipin" (The White Slave), isang istatuwang naglalarawan ng isang babaeng alipin na binubuyo ng isang bugaw. Nililok ito ni Abastenia St Leger Eberle.
Isang dibuho na naglalarawan ng isang eksena kung saan ipiniprisinta ng isang bugaw ang alagang patutot, habang kinikilatis naman ito ng isang kliyente. Ginuhit ito ni Hermann Vogel, isang Alemang dibuhista.

Ang bugaw[1][2][3] (Ingles: matchmaker, go-between, myrmidon, pander, pimp, ruffian) ay isang taong tagapamagitan o tagapagtambal. Kung tutuusin, may mabuti itong kahulugan sapagkat sa orihinal na paggamit gumaganap ang taong ito bilang "tulay" sa pagitan ng isang manliligaw at ng nililigawan. Subalit sa makabagong gamit, nagkaroon ito ng masamang pakahulugan. Naging isang taguri ito para sa isang manunulsol o tagapangalakal ng patutot.

Sanggunian[baguhin]

  1. Búgaw, Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. "Bugaw, go-between". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  3. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Bugaw, go-between". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.