Bundok Arayat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Bundok Arayat
Taas 1,026 metro
Salin Bunduk Arayat (Kapampangan)
Lokasyon
Lokasyon Arayat, Pampanga, Luzon, Pilipinas
Koordinato 15.20° N 120.742° E
Geology
Uri Stratovolcano

Ang Bundok ng Arayat ay isang natutulog na bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas ng may taas na 1026 metro (p 3366 talampakan). Walang naitalang bagay ukol sa huling pagputok ng naturang bulkan, at ang huling pagputok nito ay tiyak na nangyari noong panahon ng Holocene. Isang ulat-pagsusuri ang nagpapaalam na pumutok ang naturang bulkan noong huling 2,000 taon, ngunit pinapaniwalaang itinutukoy ito sa aktibidad heotermal ng bulkan.

Ang naturang bulkan ay makikita sa patag na munisipalidad ng Arayat, Pampanga. Patungong kanluran ay ang Lungsod ng Angeles na may layong sampung milya at ang Clark Air Base. Ang Bulkang Pinatubo ay may layo pang higit sampung milya.

Itinuturing ang bundok bilang isang mahiwagang bundok, ang mala-alamat na tahanan ng diwatang si Mariang Sinukuan. May ilang ulit na ring pagatatanggi sa mga balak ng pagtatayo ng antena ng radyo sa tuktok ng bundok.

Gawaing pang-aakyat[baguhin]

Dalawang daan ang magdadala sa dalawang tuktok ng Bundok Arayat. Sa Mount Arayat National Park sa Arayat, Pampanga ay may daan sa Tuktok 1. Ito ang mas kilalang daan na aabot mula tatlo hanggang apat na oras upang marating ang tuktok.



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.