Bundok Pinatubo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mount Pinatubo
Taas 1,486 metro (4,875 talampakan)
Pagkausli 1,486 metro (4,875 talampakan)
Lokasyon
Lokasyon Luzon, Pilipinas
Ranggo Bulubundukin ng Zambales
Koordinato 15°7.8′ N 120°21.0′ E
Geology
Uri Stratovolcano
Edad ng bato 1.1 milyong taon

Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.

Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-15 ng Hunyo taong 1991 pagkatapos ng 500 taong pagkatahimik, ang syudad nang Angeles ang sumalo nang galit nang bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay nang abacan atbp. ang Porac pampanga sa pangangaaga nang dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay nang Mancatian,lumikha nang isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo nuong 15 Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 Kilometro at 10 kilometro ang lapad nang pagsabog, Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.

Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sa stratosphere—mas marami kaysa kahit anong erupsyon simula noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod ng mga buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa mga 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.

Ayon sa mga katutubong Aeta ang pagsabog ay dulot nang galit nang kanilang panginoong si Namayari, noong 1 nang Oktubre, taong 1991 nang linubog ang Barangay Cabalantian, Bacolor at ilang mga baryo duon at sa San Fernando, dahil sa labis na takot ay nagpaggawa nang dike ang nuong pangulo na si Fidel V. Ramos at tinawag itong FVR Megadike. Makalipas ang ilang buan ay napuno nang Asul-Berdeng tubig ang bundok at nagkaruon nang lawa nang may parehong pangalan sa bulkan, isa sa pinaka tanyag na routa patungong bundok ay sa barangay Santa Juliana sa Capas,Tarlac.



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.