Bunyuelos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang bunyuelos o pankeyk (Ingles: pancake, griddle cake, hot cake, o flapjack) ay isang manipis, sapad, at bilog na mamon o keyk na inihanda mula sa isang rebosado o galapong, at iniluluto sa mainit na kawaling malanday o kawaling prituhan. Karamihan sa mga bunyuelos ay yari sa mga ginagamitan ng pampaalsang hindi lebadura; ang ilan ay ginagamitan ng nilebadurahan o nagdaan sa permentasyong galapong. Karamihan sa mga bunyuelos ang iniluluto na una muna ang isang mukha at pagkaraan ay ibinabaligtad upang maluto ang kabilang mukha. Depende sa rehiyon, ang mga bunyuelos ay maaaring ihain sa anumang oras, na may sari-saring mga pamatong o pampalaman kabilang ang halaya, mga piraso ng tsokolate, prutas, arnibal, o karne.


Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.