Buwitre

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga buwitre
Buwitreng Griffon, Gyps fulvus
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Aves
Mga pamilya

Accipitridae (Aegypiinae)
Cathartidae

Ang mga buwitre ay mga ibong nanginginain ng bangkay o patay nang mga hayop. Natatagpuan ang mga buwitre sa bawat kontinente maliban na lamang sa Antartiko at Oceania. Isang partikular na katangian ng maraming mga buwitre ang pagkakaroon ng kalbong ulo, na walang mga balahibo. Ipinapakita ng mga pananaliksik na maaaring may malaking pagganap ang nakalitaw o lantad na balat ng mga ibong ito sa termoregulasyon o pagtimpla ng init o temperatura ng katawan.[1]

Tinatawag na "lamay" (wake sa Ingles) ang isang pangkat ng mga buwitre[2]. Ang salitang Geier (nagmula sa wikang Aleman) ay walang tiyak na kahulugan sa ornitolohiya, at paminsan-minsang ginagamit upang tukuyin ang isang buwitre sa wikang Ingles, katulad ng sa ilang panulaan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ward, J.; McCafferty, D.J.; Houston, D.C.; Ruxton, G.D. (2008). "Why do vultures have bald heads? The role of postural adjustment and bare skin areas in thermoregulation". Journal of Thermal Biology 33 (3): 168–173. doi:10.1016/j.jtherbio.2008.01.002. 
  2. Lipton, James. An Exaltation of Larks, Penguin, 1993



Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.